April 12th, 2009
mommy
Habang papuntang Sagada, lagi naming naririnig sa radyo ng aming van ang salitang Mommy. "Mommy nasa'n ka na?" "Hindi ko marinig si Mommy." "Mommy, mommy, mommy, mommyyyyyyyy...!!" Minsan, sumasagot sya. Akala ko, turista lang na pinagkakatuwaan ng mga driver, kaya di ko masyadong pinapansin. Pero nalaman kong isang pambihirang tao pala itong si Mommy.
53 years old na si Mommy. At isa sya sa siyam na drivers na kasama namin sa lakad na ito.
"Buti pinayagan syang makasama sa ganito," komento namin sa aming tour coordinator. Sanay palang magmaneho ng malalayong distansya si Mommy, kaya walang problema sa kanya ang mahahabang lakbaying tulad nito. "Saka gustong-gusto nya yung ginagawa nya," sabi ng tour coordinator.
Bihira at nakakainggit ang ganun, yung makahanap ng trabahong gustong-gusto mo, na kahit gaano katagal o kadalas mo sya gawin, hindi mo mararamdamang kailangan mong mag-effort, kasi nga, ikaw mismo ang may gustong palawigin ito.
Sinabi ko na bang may 30 alagang aso si Mommy...? 





