(c) yeopgi 2004


Links



your name:

url:

your message:


Entries for February, 2009

February 21st, 2009

scarcity

6:30 Nagpa-load si Officemate ng All Text 20 - itinawag ko kay Mama.

7:00 Umalis ako ng office.

7:35 Nasa Nagtahan na ako, nag-text si Officemate: "Ate, wala pa ba yung Smart?" "Nyek, kanina ko pa yan itinawag, follow-up ko, malapit na ako sa bahay."

7:45 Naipit sa traffic kung kelan malapit na bumaba ng bus pero sobrang layo kung lalakarin hanggang bahay.

8:10-8:20 Nakarating na sa bahay sa wakas. "Ma, ni-load mo na ba yung Smart?" "Kanina pa." Tiningnan ang cellphone. "Error: With insufficient balance" "Ma, hindi pala na-load yung kanina. Kulang yung balanse mo! Bukas pa ba yung pinagpapa-loadan mo?" Tinawagan ni Mama ang pinagpapa-loadan. "Pa-load naman, nagbigay ako kanina dyan ng isa." Tinawagan ko si Officemate #2 na naglo-load din ng Smart. 4 calls, walang sagot. Nag-text ako hindi rin sumagot. Sabi ni Mama, "Lo-loadan na raw."

8:23 "Ma, wala pa ba?" Finollow-up ni Mama.

8:25 Second follow-up.

8:30 Eto na ang refill ng load wallet. Ni-loadan si Officemate ng All Text 20... SUCCESS!

 

Epilogue

"Sino'ng nag-load nyan, FERPAGE ba?" Binasa ang confirmation message. "Hindi. SURELOAD ang nag-load." "Hindi sila yan. Baka wala rin silang load."

 

Yan ang madugong kwento ng pagpapa-load ni Officemate... TODAY'S MOTTO: Tink pasitib! Walang aayaw! toothache.gif


posted @ 02:22 PM | 1 splashed

February 28th, 2009

you changed my life premiere

Nung Martes, Feb 24, di ko inaasahang makakapunta pa ako sa premiere night ng You Changed My Life. Pero sa huling minuto may "nagpahatak" kaya natagpuan ko ang sariling naglalakad papuntang Ayala MRT station after office. Ang haba ng pila! (May premiere night din ba dito?!) Sabi sa TV, alas-sais ang simula nito, eh 6:30PM na! Napa-ordinary bus tuloy kami (dahil mas gusto ng mga taong sumakay sa aircon; mas matatagalan!). Ayun, di tatlumpung minuto lang, papasok na kami ng SM Megamall

Pagdating sa 3rd floor kung saan nandoon ang Cinema 9 at 10 na pagtatanghalan ng pelikula... WHOA! Ang dami na namang tao! Buti na lang napatambay kami malapit sa escalator, sa tapat ng Crocs. Pero hindi rin naman namin malampasan ang makapal na lubid na inihanda ng mga guwardiya ng SM - wala kasi kaming movie passes (hindi na ako sumali sa text promo nila para makakuha dahil di ko naman alam na makakapunta pa rin pala ako, after all). Pero OK lang, ang mahalaga nandito kami di ba?

Nakakahawa ang excitement ng mga tao. Merong mga batang kinakanta ang theme song ng pelikula habang naghihintay. At hindi lang minsan nangyaring may sigawan sa isang dako kaya aakalain ng ibang dumating na sa wakas ang mga bidang inaabangan - syempre, sisigaw din sila; tapos, magtatawanan kasi false alarm lang pala. Pati mga guwardiya natatawa. Pag meron namang organizer na dadaan, may hawak na movie passes: "Kuya, penge naman nyan!" "Sige na, gwapo ka naman eh...!"

Hanggang sa nakita naming may mga lalaking nakaitim na t-shirt at naglalakihan ang mga katawan na tumatakbo papuntang escalator...

Unang nakita ang ilang karakter sa pelikula: sina Rowell Santiago, Bernard Palanca, Gio Alvarez, Joross Gamboa, at iba pa. Lalong umugong ang sigawan... nandito na sila!

THIS IS IT!!!

Wala akong masabi kundi ANG GWAPO NI JOHN LLOYD!!! Si Sarah, bagaman mas malapit sa akin, ay nakatagilid naman (nagsasalita kasi noon si John Lloyd habang naglalakad at nakikinig naman sya) kaya hindi ko tuloy nakita ang kanyang mukha. Pero ayon sa kasama ko, mas maganda pa raw si Sarah sa personal kaysa sa nakikita natin sa TV.

Wala pang isang minuto ang itinagal ng lakad nilang iyon papasok sa loob ng sinehan. Di nagtagal, nag-disperse na ang mga tao.

May nakakatuwang nangyari: Bago kumain, nag-CR muna kami ng kasama ko. Habang naghihintay sa hallway, mayroong dalawang babaeng papunta rin sa CR at di maiwasang marinig ko ang kanilang usapan. "Grabe, ang gwapo ni John Lloyd!" "Ang ganda ni Sarah!" Nagtama ang aming mga paningin; nagkangitian kami. (Fans club?)

Kahit sinong nakapanood at sumuporta sa A Very Special Love, ang unang yugto ng kwento nina Laida at Miggy, ay hindi ito pwedeng palampasin. Kaya... nood na!

 


image downloaded from http://starcinema.multiply.com


posted @ 02:04 PM | 2 splashed

usapang lotto

Mainit-init pa ang pagkapanalo ng dalawang maswerteng naghati sa P300M++ papremyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Ilang linggo ring nangarap ang sambayanan. Laging mahaba ang pila sa lotto outlets. Ako? Gusto ko ring manalo... pero hindi naman tumataya (wala kasing pantaya, may krisis! fight.gif )

Kahapon, tumawag ang ate ko mula sa UK. Meron rin pala silang inaalagaang numero sa lotto doon. Malas nga naman, sa kaisa-isang araw na hindi sila nakataya, doon pa tumama! Nakalimutan ko na kung magkano sa pounds ang premyo, pero ang tumatak sa utak ko ay ang sabing kapag na-convert sa Philippine Peso, tumataginting na P350,000.00!!! Maliit kumpara sa premyo nung isang linggo, pero nananatiling... SAYANG!!!

Siguro hindi pa lang talaga napapanahon... kasi, doon kami tatama sa P1M. O sa susunod na P300M. Haha. Goodluck.


posted @ 04:43 PM | take a plunge.