June 15th, 2008
papa chu!


Related entry: want some...?



| ALVIN | CHAT | MARIANNE | EM | CHARISSE |
- pinakamalapit sa aircon - may kumot at unan - hindi lasing - 10pm nasa room na - nagpapatay ng ilaw kase sayang daw! - naka-shorts - akala may contest ng patipiran - SUMALI! - pinatay ang aircon para di liparin ang alikabok... napagod kakawalis! - masama ang loob dahil hindi nakapag-banana boat | -may kumot at unan - lasing - nagsuka - ayaw nang uminom pinilit pa - NAGALIT! (naghihiganti) - umuungol nung tulog: "patayin nyo aircon..." - masama ang loob dahil hindi nakapag-banana boat | - walang unan at kumot - lasing - nawalan ng P500 (naghihiganti) - galit kay Alvin (para mapagbintangan si Alvin) - nakadiretso nga ng higa tabingi naman - NAGALIT! - masama ang loob dahil hindi nakapag-banana boat | - may unan - lasing - sa sobrang kalasingan, AKALA PATAY ANG AIRCON - hindi marunong gumamit ng aircon kaya AKSIDENTENG NAPATAY! - nakabaluktot nung natutulog - umuungol nung tulog - NATATAE DAW SYA kaya NAKALIMUTAN NYA na PINATAY NYA ang aircon... | - may unan - PINAKALASING - hindi sinagot ng aircon nung tinanong nya kung nakauwi na si Chammy kaya PINATAY NYA! - nakabaluktot nung natutulog - naka-jacket, naka-medyas, naka-jogging pants at MITTENS |
(May mall show sila kahapon sa Robinson's Place Ermita. Hindi ako nakapunta kaya ang ikukuwento ko na lang ay yung napuntahan ko)
Nandito na naman ang tambalan na nambubulabog sa inyo tuwing umaga... trulalu at walang halong eklavu: ang tambalan na kahit na walang pera, mukha namang artista!
Bago mag-alas otso, Lunes hanggang Biyernes, naging ritwal ko na ang pagtutok sa Tambalang Balasubas at Balahura (Christsuper at Nicolehyala). Sa unang segment lang ako nakakapakinig habang byahe, hindi ko na nasusubaybayan yung second part dahil panigurado hindi ako makakapag-concentrate sa work. Sa bus nga lang habang papuntang opisina eh nahihirapan na ako magpigil ng tawa, pano pa sa opisina? Baka mapalo ako.
Nagpunta ako sa mall show nila sa SM Manila nung Sabado (December 29). Sayang nga hindi ako nakapagpa-picture, pero may autograph naman yung album ko:
May songs at meron ding cuts galing sa programa nila:
1. Tambalan
2. Biyaheng Jeepney
3. D Best of Tambalagtasan - AGPAPUKIS
4. Shala-Shala
5. Salawikain "Ang di marunong magmahal sa sariling wika..."
6. Jowadik
7. D Best of Tambalagtasan - PUKIYI
8. Ka-Chervahan
10. D Best of Tambalagtasan - KEKI
11. Nakakalurkei
12. Extro
In-upload ko yung program cuts para marinig nyo, pero TANDAAN! May magic powers yung album nila: ANG MANGOPYA, MABABAOG. (Mahirap na). Bumili na kayo, P195 lang! Additional pics:

May video ako nung dance number nila pero pag-aaralan ko pa kung pano i-upload 
P.S. Salamat na rin kay CORONEL sa MORAL SUPPORT kahit na NAGTATAKIP SYA NG MUKHA at TAKOT NA BAKA MAY MAKAKILALA SA KANYA... hahaha! Original entry (without the program cuts) posted Jun 15th at 03:15 PM
The Ayala group of companies unite: RACE TO RAISE!
May 10, 2008 | Rizal Memorial Stadium
Ayala Corporation
Ayala Land Inc
Bank of the Philippine Islands
Globe Telecom
Manila Water Co
Integrated Microsystems Inc