October 19th, 2007
Nalulungkot ako minsan kasi meron pa rin akong takot sa dibdib; takot na baka magbago ang nararamdaman mo para sa akin. Kahit sinasabi mong wag akong malungkot o matakot. Nalulungkot ako kasi nakukunsensya ako; para kasing napakamakasarili ko, naghahanap pa ako gayong sobrang pagtatyaga na nga ang ginagawa mo sa paghihintay at pagsundo sa akin araw-araw mula sa trabaho. Alam kong nasasaktan ka dahil natatakot ako. Patawarin mo ako. Ngunit masakit rin para sa akin ang matakot. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin malinaw kung ano nga ba tayong dalawa sa isa't isa, ano ba ang gusto mong mangyari. Lalo na ngayon. Naninibago ako dahil hindi mo na masabing mahal mo ako. Masakit pero iintindihin ko na lang kaysa mawala ka. Ayokong mawala ka dahil nararamdaman mong nasasakal ka. Ano nga naman ba ang karapatan ko? Alam mong sa 'yo lang ako, pero iniisip ko pa rin kung kelan yung panahong walang pag-aalinlangan kong masasabi na akin ka.
posted @ 09:20 AM | take a plunge.
