September 2nd, 2006
ministop
"Uy paalis ka na ba?"
Gusto ko sya. Pero hindi ko alam kung gusto ko ba sya gawa ng tamang mga kadahilanan.
"Good morning na naman..."
Nakakatuwa rin pala kapag may taong nagbibigay-pansin sa 'yo. Kahit simpleng pagtatanong lang kung kumain ka na ba o anong oras ka nakatulog. Yung hihintayin ka tuwing umaga para sabay kayong pumasok sa opisina. Yung sasabihing "Haha, inaantok... tulog ka na..." kapag kumukurap-kurap ka na dahil sa pagpupuyat kagabi. Yung sisiguraduhing ligtas kang nakakarating sa bahay dahil lagi kang nag-oovertime at gabi na kung makauwi. Yung magpapasalamat pa sa 'yo kapag kayo'y maghihiwalay na, at parang laging looking forward na makita kang muli.
"Next time..."
Para syang alak - pwede akong magpakalasing hanggang gusto ko. Pero kapag hindi na ako lango sa atensyong ibinibigay nya, iisang bagay ang nangingibabaw: mahal pa rin kita.
"OK, wait kita."

posted @ 01:14 AM | 10 splashed