OK, inaamin ko na po: nami-miss ko na nga! Pero Lord, para namang may magagawa pa yun. Di ko na nga alam kung ano na'ng nangyayari dun ngayon. Di ko alam kung nasan sya. Ni hindi ko nga alam kung makikita ko pa sya ulit. Basta Lord, pangalagaan Mo po sya ha!
Sa kung anong dahilan, bigla akong nagkaroon ng urge na lumingon. May dumaan.
Sya.
"Nagulantang" siguro ang natatanging salitang pwede kong gamitin para ilarawan kung ano ang naramdaman ko sa sandaling yon, pero alam kong maiintindihan nyo ako kung sasabihin kong understatement yan. Higit pa doon ang naramdaman ko - sobrang higit pa - at alam naman nating lahat na may mga bagay na hindi kayang tumbasan ng mga salita.
Napa-"Oh my God!" tuloy ako. Buti na lang at natakpan ko ng panyo ang aking bibig kaya hindi masyadong malakas. Napatitig ako sa altar.
Ano'ng nangyayari??!
Malayo ang pagitan namin dahil sa likod ako nakaupo samantalang sya ay sampung seats mula sa harapan pumwesto.
Nagdasal sya. Ako rin. Tinanong ko Sya:
ano ba'ng gagawin ko??
Maya-maya, tumayo sya. Lumakad palabas. Nakatungo ako kaya hindi ko alam kung nakita nya ako. Inisip ko nga,
ano yun, hindi na ako nakilala? Grabe ha!
Yun na ba yun?, tanong ko sa kawalan. Tumayo na rin ako. Naglakad ako papuntang grandstand, ngunit hindi ko tinawid ang kalsada. Gusto ko lang linawin ang utak ko. At naisip ko, kailangang bumalik ako sa loob.
Umupo ulit ako sa dati kong pwesto, tulala.
Bumalik sya. Doon din sa dati nyang pwesto. Natawa na ako.
Ano ba ang nangyayari??
Lumuhod sya't nagdasal muli. Siguro nagkumpisal sya kanina, o nag-CR. Naisip ko,
Lord, di ba nya nase-sense ang aking presence? Dati alam nya agad when we're in the same room. Ngayon ba, hindi na? Hmm... ano kaya'ng pinagpe-pray nya?
May misa, 5-6pm. Nagdesisyon akong manatili. Gustong-gusto ko na syang lapitan.
Tabihan ko kaya ito? Bwahaha! Wag na, masyado namang brutal yon. Makikinig na lang rin ako; gusto ko rin naman syang makapagpokus sa sermon.
Lumapit ako, pero limang seats ang layo ko sa kanya, at may nakaupo pa nga sa harap ko. Pwede na.
Alam nyo ba kung tungkol saan ang sermon? Love.
Unconditional love. Tama ba naman yon.
Natapos ang misa. The whole time I was trembling, and my hands were cold as ice. Umeskapo na ako agad. Naiiyak na kasi ako; hindi ko na kaya ito. I was breathing hard as I walked/ran outside the church, then towards Noval. Ang bilis ng lakad ko; buti na lang walang ibang tao kundi baka may mabangga pa ako.
Pero bago ako makarating ng gate, naisip ko, hindi, kailangang bumalik ako. Kaya naglakad ulit ako papunta sa campus.
Sinusubukan kong tawagan ang isang kaibigan dahil baka mahimatay na lang ako bigla -
kailangan ko itong mailabas! Kaya lang patay ang telepono nung tinatawagan ko. Nevertheless, I kept trying, for occupation's sake.
Kung meron mang nanonood sa akin the entire time, malamang ang konklusyon nya eh baliw itong babaeng 'to.
Mukha nga.
Nasa tapat na ako ng pinto ng Main Building. Tumigil ako sa paglalakad at binulatlat ang bag ko. I turned around.
Sya.
Our eyes met. He smiled. His eyes were soft as he looked into mine. Napangiti tuloy ako. I haven't smiled like that for a long time - yun bang pakiramdam ko eh yung puso ko talaga yung ngumiti and it just went all the way to my face. Well, eh sya lang naman kasi yung nakakapagpangiti sa akin ng ganun.
(Duh, naiiyak tuloy ako. Ano ba.)
Kinalkal ko ulit ang bag ko habang lumalakad sya papalapit sa akin.
Ano ba kasi yung hinahanap ko??
Nakatalikod na ako, papasok sana ng Main Building.
"Chat, sa'n ka na?"
Nakangiti pa rin... ano ba!
Hindi ako makapagsalita, kaya sinenyas ko na lang na sa loob ng Main nga ako pupunta (as if namang may gagawin ka doon, gaga!).
Eengk... wrong answer! Tumango sya, tumango rin ako, at naghiwalay na kami.
Pakiramdam ko slow motion ang paghihiwalay namin, dahil
parang unti-unti ring hinuhugot ang aking lakas.
Hinabol nya ako noon. Bakit hindi ko sya hinahabol ngayon? Naisip ko tuloy, I don't deserve him, cos I can't even give that courage, for him.
Pero kahit hindi ko na-maximize yung chance, marami pa rin naman akong na-realize:
I'm not over him yet, though I thought I was. And I can't force it. I don't know if I'll ever get over him, but one thing's for sure:
not now. I'm not ready for this. And frankly,
I don't even want to try.
Maraming nangyari. Matagal na panahon ang lumipas. Malaking distansya ang namagitan. May ibang taong dumating. At may mga bagay na sa iba, ang magiging kahulugan ay pagtalikod. Pero pag mas naiintindihan mo pala ang tao, hindi mababawasan ang pagmamahal. Lalo lang itong madadagdagan.
And oh, I'm someone he'll never forget. I knew it all along, but a reminder sure wouldn't hurt.
And for that,
ang sarap mabuhay
Mahal na mahal kita.
---
Repost. Kaya syempre, wala na yung comments when I originally posted this entry.