January 23rd, 2005
with great power comes great responsibility
TEAM LEADER NA AKO!
(Weh, eh ano ngayon?!
)Wala lang, natutuwa lang ako. Matagal na akong nakakarinig ng mga bali-balita ngunit ayaw ko lang itong patulan/paniwalaan hangga't hindi si Bossing ang mismong nagsasabi. Mahirap matuwa nang wala naman palang dapat katuwaan. Pero ngayon, eto na, totoo na at hindi na basta-basta tsismis.
Bale sa February ay on-prob pa kami ni Louie (naging TL din sya... naks!
). Hahawak kami ng tig-sampung tao.Ang sweet nga ng team leader ko, si Froi. Pagbalik na pagbalik ko ng cubicle ko ay tumawag agad sya. Hindi ko pa nga nakilala ang boses nya kasi nasa proseso pa rin ako ng pag-absorb ng bagong balita. "O?" sabi ko nang mapagtantong sya ang nasa kabilang linya.
"Anong sabi?" Magkatalikod lang kami pero ramdam na ramdam ko ang ngiti nya.
"Eh di ayun." Nangingiti na rin ako.
"Ano nga yun?"
"YUN!"
"Ano nga eh?"
"Tang*na mo, parang di mo alam ah!" (Wag kayong magulat sa lenggwahe ko; ganyan lang talaga kami mag-usap
)Natawa kami pareho. Maya-maya ay tumawag syang muli, nagbibigay ng mga payo. Wag daw akong matakot; kaya ko raw yun; give it my best shot daw
Marami pa syang bilin. Naiiyak na nga ako pano'y akala mo, huling paalam na ito. Adios patria adorada na.Tinawagan rin ako ni Ian, yung TL naman ng kabilang team. Straight-forward itong si Ian; hindi na sya nagmaang-maangan na wala syang alam
"You rock, man!," sabi nya.Syempre natatakot rin ako. Alam mo na, expectations. Maabot ko naman kayang lahat?
Nevertheless, salamat po, mga TL. Sana nga ay kayanin namin ni Louie. At sana, hindi kayo magsawa sa pagsuporta.
posted @ 01:28 AM | Leave a comment
