(c) yeopgi 2004


Links



your name:

url:

your message:


September 25th, 2004

Old News

...kasi this happened the other day pa. The most tiring day of my life... haaay.

* * * * *

May meeting sa Prestige Tower at nakapangako ako kay Sir Arnie na papasok kaya ayun. Although late ako (duh, what's new??) pero mas late sila... hahahaha!! Buti na lang nauna ako ng five minutes!! The meeting was 8:30 and hello, I arrived an hour later!! (Haha, gaga talaga 'ko... )

So yun, meeting. Then we packed up for Shang and ATC naman yung iba. Nag-whole day ako kasi *nahihiya naman ako kay Froi*... DUH! Hehe

Grabe, quarter to 3 na ako nakapag-lunch. Hindi ko nga alam kung gutom pa ba talaga ako kasi sobrang nalipasan na ako noh (at ano lang ba yung breakfast ko?? Alas-onse pa lang eh tunaw na yun eh... hehe...) pero exag, when I took that first bite eh sunod-sunod na... nakapag-extra rice pa ang lola mo... nagulat nga ako eh...

Talaga lang na hindi ako gutom ha... hahahaha...!!

* * * * *

At the end of the first shift eh biglang tumawag sa akin si Sir Arnie! Kinabahan nga 'ko eh. Well, pinapabalik ba naman ako sa Prestige. Kinutuban na ako na this is about the converter thing... pero I shut up... pero lam naman ni Froi at ng iba pang mga tao na yun nga yun.

At yun nga yun. Naging converter na ako! Syet!! Hindi naman kasi ako *totally* interesadong maging converter! Everybody's wondering at that issue lang and they didn't wanna ask the "authorities" (shy daw sila) and they asked me to do it! Ako naman, sige, para matapos na, I asked. Ayan, akala tuloy ni Sir, AKO yung may gusto!!

Eh bigla pa naman akong nag-enjoy noon sa booth. Syet talaga!! Pero hindi na ako makaapela, kasi mukhang nawiwindang na sya sa kasalukuyang kalagayan ng aming operasyon. Anyway, we badly need a converter right now. Basta matapos lang itong isang tambak, sana makabalik na ako sa booth.

Although mas matipid pag converter kasi nakakapagbaon ako. Sa Shang ang hirap eh... I never thought I'd see the day that I'd count every coin in my purse at may mga araw na less than five pesos ang natitira sa wallet ko at the end of the day... at pure barya pa yun ha... (tangina ang mahal ng pamasahe...)

* * * * *

Well wala pa akong isang oras nagko-convert eh bigla ba namang dumating yung mga *opisyal* ng SCB... they talked to Sir Arnie and they wanted to visit the booth sa Shang. Syet!! Well the moment na umalis sila pinapunta kaming dalawa ni Ate Gladz sa Shang to help out.

Which was just what's needed. Pagdating namin dun eh si Donz at Froi na lang ang tao... nawawala si Maybe. Nag-walkout daw sabe nila. Inaway kasi ni Froi eh... hehehe... Well di na ako mag-eelaborate sa isyung yan... anyway medyo OK na naman sila kanina.

Nawindang na naman ako dahil baka biglang mag-appear ang mga bank officials na ito at ako ang mapagtripang tanungin. Kaya naman nung nakita ko na silang paakyat ng escalator (shit, shit!! - at ako pa yung naka-istasyon doon sa banda roon ha!!) eh kahit sino na lang kinakausap ko. At nagbisi-bisihan ang lola mo!!! Natatawa nga sa akin si Ate Gladz.

Umalis din sila after... forever? Hehehe!! Bumalik na kami ni Ate Gladz sa Prestige.

I needed to go back to Shang, though, kasi nagpapasabay sa akin si Donz pag-uwe.

So all in all, anim na beses akong nagpabalik-balik ng Prestige at Shang.

Apat doon sa anim na yun ang nilakad ko lang.

ALAM MO BA KUNG GANO KALAYO ANG SHANG SA PRESTIGE???? LAKARIN MO BA NAMAN MULA SHAW HANGGANG EMERALD AVENUE!!! IN TWO-INCH HEELS, NONETHELESS!!! PUTRAGIS!!!

Wala lang... alangan namang sumakay pa ako noh... eh alanganin naman. Maglalakad din ako ng malayo. Walang kwenta. Sayang ang sampung piso (FX at taxi lang kasi ang choices dito...)

* * * * *

So two hours later pa ako nakauwi. Although I could've ridden an FX going to Quiapo (na usual kong ginagawa), I went with Donz sa MRT and I found myself at the Pasay Taft station... ohdiba mukhang nalibot ko na lahat ng siyudad at munisipalidad sa Kalakhang Maynila!! Napalayo talaga ako pero OK lang... adventure ito.

Talk about adventure. Syet. Ang bilis magpatakbo ng driver... eh merong nag-U-turn na kotse... MUNTIK NA KAMING MABANGGA!!!! Sigawan naman yung mga tao. Napasigaw din ako. Sabe ko, "SHIIIIITTTT.....!!" tapos when the jeep finally came into a stop: "...PUTA."

*YUCK. WAH-POISE.*



* * * * *

Matapos ang makabagbag-damdaming kaganapan eh nag-U-turn naman yung jeep namin... hindi kasi makapaghintay yung driver eh. Sa kalyeng nilikuan namin eh hindi rin kami nagtagumpay na makalabas... pinabuwelta kami (at ang iba pang sasakyan)... ewan ko kung bakit... basta may nakasabay pa nga kaming fire truck noh...

Ohdiba napakahabang proseso na naman nyan...

Tapos lumiko na naman sya at kung kanina eh mga munisipalidad at siyudad ang aking binabaybay, ngayon naman eh ginagalugad namin lahat ng side streets sa Makati at Ermita. Puchangina.

To make the long story short, nakabalik na kami ulit sa Taft at eventually, nakarating ako ng Quiapo.

PhP10.50 lang yan. Whattaride...

Almost eleven na ako nakarating ng house. And I haven't had dinner yet. Goodluck...

* * * * *

Pero masaya din naman eh. Alam mo ba nung morning... eh kasi nag-uusap kami ni Janah, medyo magkalayo lang kami. I forgot what it was about, basta naka-smile ako ng abot-tenga. After I spoke to her, naka-smile pa rin ako. Eh nung pagtingin ko... syet! Ang cute nung guy! Medyo nahiya tuloy ako kasi naka-smile ako nung nagtama yung paningin namin. Yikes!

Actually napatingin lang rin sya sa akin noon eh... siguro he was glancing at the shops sa kabilang side. Pero he looked again... focused na sa akin this time. Tapos... ngumiti!!

SHIT ANG CUTE TALAGA NYA!!!

Wala lang... ang cute nya eh...

* * * * *

Marami pa akong kwento pero bukas (mamaya) na lang. Tinatamad na akong mag-type eh... hehehehe....

posted @ 12:03 AM in | Leave a comment

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website: