June 7th, 2004
THISISHIT!!!
*written on June 1st
Yan ang motto namin kahapon ni Tin. Merong naitimbreng call center sa kanya ang isang kaibigan. Ang nasabing kumpanya ay matatagpuan sa Libis. Sapagkat ako'y taga-Sampaloc at sya nama'y sa Fairview manggagaling, napagkayarian naming magkita na lamang sa Jollibee Philcoa, at mula roo'y maglakbay papunta sa aming destinasyon.
Matapos magpa-zerox ng resumé sa Asturias at makipaghuntahan sandali sa OFAD, ako'y "lumarga" na. Maikli lamang ang byahe bagaman trapik sa España at sa mga unang parte ng Quezon Ave. Apatnapu't limang minuto ang nakalipas at sa wakas ay narating ko rin ang Jollibee. Maraming tao at medyo nahirapan akong maghanap ng bakanteng upuan. Nasan na kaya si Tin?
sis,un cnsb mo bng jabi ay un ns my ovrpas at my klapit na goto king? kung un nga un,and2 nk s loob,s kloob looban
Sender: chat
+63919xxxxxxx
ha, ako din.. san ka? nsa may loob din ako mlapit sa aircon
Sender: bULakLaakk!
+63917xxxxxxx
Hindi naman kalakihan itong Jollibee Philcoa, ngunit bakit kaya hindi kami magkahanapan? Pagtingin ko sa kabilang mesa, ayun pala. Akalain mo, kabilang mesa! Pareho pa kaming hindi nakahuma agad, parang nanuot muna sa kanipis-nipisang hibla ng aming mga utak ang katauhan ng isa't isa. Diyos ko. Limang segundo muna kaming nagtitigan bago kami natawa sa aming katarata. (Totoo; hindi ako exag.)
Marahil ay iisipin ng iba na isang malaking kahangalan, ngunit sa bandang huli ay napagkaisahan naming wag nang tumuloy sa Libis. Bakit naman? Napagtanto kasi naming hindi pa kami handa. Hindi kami handa sapagkat wala kaming kaalam-alam ukol sa kumpanyang aming pupuntahan (sinubukan kong hanapin sa internet, pero wala silang website), at parang hindi pa kami seryoso sa gagawin namin. Ayaw naman naming sirain ang isang pagkakataon na maaari palang maging kapaki-pakinabang kung yon ay sasalubungin mo nang nasa tamang katinuan. Kapag nagkataon, mas malaki yaong kasayangan.
Halinhinan na lamang naming pinagpilian ang Job Finder na binili ni Tin nung umaga. Marami-rami rin naman kaming nakita (at hindi lang puro pwesto sa call center). Pagkatapos ay nag-internet kami sa isang shop doon; nag-email ng mga resumé at nag-check ng account sa Jobstreet. Para sa finalé, SM North Edsa.
ANG LAYO NG LIBIS ANO?

posted @ 07:13 PM in | Leave a comment