(c) yeopgi 2004


Links



your name:

url:

your message:


Entries for May, 2004

May 3rd, 2004

An Interesting Email

Post ng kaklase ko sa aming Yahoo! group:

mga classmates! ano na balita sa inyo? paramdam kayo mga animal! hehe! hanap na ko trabaho next wik, nahihiya na ko sa mga magulang ko e. hehe! hope 2 c u somewer in ortigas or makati, dun kasi ko magkakalat ng lagim. hehe! pero sana kng swertehin sa may ortigas na lng kasi tga cainta na ko. medyo liblib na lugar. hehe! o cia, kita-kits. inum tayo sa amin! sagot ko isang case! hehe! set nyo na lng!



Oops HAPI BERTDEY nga pala kay J.Lao, ang Dimsum Queen ng 4BA9 at aking mahal na ka-berks...

posted @ 12:09 AM | take a plunge.

I spent the whole day yesterday and half of today kina Zar. Kidnapper pala yang babaeng yan... akalain mong ngayon nga lang ako nakapunta sa bahay nila tapos ayaw na akong pauwiin?? Pero isa talaga yaong malaking adbentyur. Totoo.

Magkasama kami ni Tin papunta doon. Dahil nga first time namin ito pareho, naghanap-hanap pa kami. Read:

1. Pagdating sa SM Fairview, sumakay ng jeep papuntang Bagong Silang.
2. Wag bababa hangga't hindi natatapos ang ruta ng jeep. Palatandaan: simbahan.
3. Pag nasa simbahan na kayo, sumakay ng traysikel at sabihin sa drayber, "Kaliwa."
4. Bumaba sa may istasyon ng pulis.
5. Yung bahay sa tapat ng police station na kulay blue ang gate, yun na yun.

May nakita kaming simbahan pero ito ay under construction/renovation, kaya nag-alinlangan kami kung dun ba talaga dapat bumaba. Isa pa, dire-diretso lang ang jeep kaya mukhang hindi pa ito ang katapusan ng ruta. Eh di sige lang, makiayon tayo sa agos.

Nung tumigil ang jeep, may nakita kaming karatula: "This way to St. Joseph's Parish." AHA! So hindi pala kami nawala. Pumara kami ng traysikel at nagpahatid sa may police station.

May problema: dalawa yung bahay na may kulay asul na gate. Nagpustahan pa kami ni Tin kung alin ba doon sa dalawa ang aming destinasyon.

Tinext namin si Zar, "Oi and2 n kme s may police stn. Lumabas ka nga ng bhy ño."

Nag-reply maya-maya: "San b kyo? Ns labas nko ng bhy namin."

"Saan? Ano b yan, anak ka tlg ng dilim. Anliwanag ng sikat ng araw d ka prn nmin mkita!! =p"

Tinawagan na lang namin sya para mas mabilis. Ang init kasi sa labas... para kaming daing na binibilad.

"Nasan ba kayo?," tanong nya.

Sinipat ko ang kalapit na street sign. "Uhmm... Katarungan Street?"

"HA?? Bakit andyan kayo??"

Sa kabilang ibayo pa pala yun. Dun kami dapat sa unang simbahan bumaba. Nag-traysikel muli kami papuntang labasan at pumara ng jeep papuntang simbahan.

Ang saya nung nasakyan naming jeep. Sa sobrang lakas ng tugtog, pakiramdam ko'y puputok na ang eardrum ko. Saka durugista yata yung drayber. Ang bilis magpatakbo! Panay overtake! Para kaming nasa roller-coaster dahil gumegewang sa kaliwa't kanan ang sasakyan. Hindi lang yun... bawat overtake nya, may kasamang mura para sa drayber ng nalampasang sasakyan: "ULOOOL!!! Bwahahahaha...!!!"

Yung katabi ng drayber (na tagakolekta ng bayad), mukhang kahati nya sa suplay ng droga. Aba'y tuwang-tuwa sya sa nangyayaring kabulastugan! Nakalabas sa bintana ang kamay nya at sumisigaw din: "WEEEEEEE....!!!!" (Buti't hindi nahagip ng kung ano yung kamay nya di ba? Madugo yan pag nagkataon.)

Ang higpit nga ng kapit ko sa kung anuman ang pwedeng kapitan doon sa jeep. Panay rin ang dasal ko. Ayaw kong mapunta kahit isang paa ko lang sa hukay no! Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko!!

Hindi man sinabi ni Tin sa akin, alam kong ganun din ang kanyang nararamdaman nung mga panahong yon.

Bukod sa amin ni Tin, may tatlong iba pang pasahero: mag-iina. Yung isang bata'y katabi ng ina, samantalang yung isa ay nakaupo sa tapat nila.

Hindi nakatiis yung isang bata; tumabi na rin sya sa kanyang ina. Maya-maya... nakupo! Umiiyak na ang mga bata!! Niyakap sila ng ina.

Diyos ko, ano bang delubyo itong nangyayare???

Sa awa ng Panginoon, nakarating naman kami sa simbahan nang hindi magkakahiwalay ang mga parte ng katawan. Nag-traysikel uli kami papunta kina Zar.

HAY SALAMAT, NAKARATING RIN!!!

Syempre'y mahabang pagpapapaliwanag tungkol sa mga naganap ang sumunod. Parehong-pareho naman kasi ang mga palatandaan papunta sa dalawang lugar na nabanggit kaya hindi mo agad mapapagtantong mali pala ang napuntahan mo.

Walang nangyari sa pustahan. Talo kami pareho ni Tin =p

* * *


Ano pa ba ang mangyayari kundi isang umaatikabong diskusyon???

Isa palang model si Zar... kahit anong klaseng damit ay kayang-kayang dalhin... bwahaha!! (BAD CHEETAH!! =p)

Nung bandang huli hindi na ako masyadong nakakapagbigay ng opinyon; nakahiga ako't abala sa pagmumuni-muni. Kasama namin sa kwarto ang bunsong kapatid ni Zar na si Yesley, naglalaro ng Barbie. Maya-maya'y dumampot ng suklay itong bata at sinimulang hagurin ang buhok ko.

Hagikhik nang hagikhik si Yes. "Ang lambot-lambot!" Tinanong pa ako kung ano ang shampoo ko. (Bata ka, wag mo na nga akong bolahin!! =p)

Anim na taong gulang si Yes. Nung una nga naiilang ako. Ngayon lang uli ako nakipag-usap sa ganito kabata. Ibig kong sabihin, PAANO BA MAKIPAG-USAP SA ISANG INOSENTENG KATULAD NYA? (Hindi nga ako makapagmura eh; dapat mabuting ehemplo ako, di ba? =p)

Binasahan ko sya ng mga kwento. (Feeling nanay! Haha!)

(Hindi fairy tales ha... tungkol sa mga pamosong lugar sa daigdig yung libro, kaya kahit pano'y natuto rin ako. Ginawan ko na lang ng kwento para magmukha namang interesante sa kanya.)

Doon na rin kami naghapunan. Sus, tabi raw kami. O sige.

Mag-aalas-nuwebe na noon. Habang kumakain ay napag-usapan kung paano ba uuwi. Malapit lang ang bahay ni Tin, hindi aabutin ng isang oras. Eh ako, Morayta pa. Dalawang oras ang byahe ko.

Inalok ako ng nanay ni Zar na doon na magpalipas ng gabi. Sabi ko, tatawag muna ako sa bahay.

Halos hatakin na nga ako nung bata papunta sa isang tindahan upang makitawag. Nung pinayagan ako ng nanay ko, pumalakpak pa sya.

(INSTANT OVERNIGHT 'TO!! WAHAHA!!)

Inihatid namin si Tin sa sakayan. Sabi ni Yes, baka raw hindi na ako bumalik? Sabi ko, "Babalik ako." Binigay ko sa kanya yung cell phone ko para may kasiguraduhan sya.

* * *


Apat lang kami sa bahay nung gabi: ako at yung tatlong magkakapatid (BTW, ang pangalan nung isa pang kapatid ni Zar ay Garnet. Panganay si Zar.).

Nag-videoke kami kahit na hindi naman ako magaling kumanta. PERFORMANCE LEVEL 'TO...!!!! =p

(Puro Sarah Geronimo nga yung pinakanta sa 'kin. Walanghiya... eh ang taas-taas ng tono nun eh!! "Sa iyo ang pag-ibig kooooo....!!")

Nagbasa ulit kami ng mga "kwento". Pinagbasa ko rin sya ng isa, at ginabayan sa pagbigkas ng mga bagong salita. Labing-tatlong kwento lahat yun (kasama yung binasa nyang isa).

(Nakakatuwa nga... nung kinuwento nya sa mga ate nya yung binasa namin, napagtanto kong naintindihan naman pala nya ang lahat ng pinagsasabi ko, pati yung hindi nakasaad sa libro. Matalinong bata.)

Harutan.

Sabi nga ni Net, ako pa lang raw yung sobrang kinulit nitong batang ito. Syempre naantig naman ang puso ko... aaw!

Later nakatulog rin ang bata (syempre tabi raw kami ulit di ba). Oras na namin ito ni Zar para makapagtsismisan.

Ala-sais na kami natulog. Ang habang balitaktakan nun di ba?

* * *


Alas-tres ng hapon na ako nakaalis sa kanila kanina. Ayaw ko pa nga eh, at ayaw rin nila (haha, feeling! =p), pero pag nagtagal pa ako eh baka ma-pakpak na ako ng nanay ko. Dami ko nang atraso - dalawang araw bago ako pumunta kina Zar eh halos alas-diyes na ako nakakarating ng bahay. Tapos ayun nga, sa ikatlong araw ay bigla akong tatawag na hindi ako makakauwi. Tama ba naman yun???

Despedida pa bukas ni Kabiruan. Alas-kwatro yun magsisimula kaya malamang, gabi na matatapos. At ngayong Linggo, birthday ni Mei.

SANA MAKALABAS PA AKO NG BAHAY.

(Pagkatapos nito, hinding-hindi na ako aalis ng bahay. Pangako yan.)

posted @ 12:11 AM | take a plunge.

Hi-Tech Mommy

Matapos ang mahabang paliwanagan tungkol sa navigation key at menu ng cell phone, marunong nang mag-text ang nanay ko.

Kanina nga, testing. I-text raw kaya namin ang ate ko (na nasa opisina nung mga panahong yon)?

"hi badz. - mom"

Nag-reply: "nanay?? hehe!"

"can't bliv?"

"marunong ka nang mgtext! grabe! ü"

Oo nga, marunong na syang mag-text. Kaya hindi ka na pwedeng kung saan-saan pa magpupunta... bwahaha!! Lagot ka... ite-text ka nya... bwahahaha...!!!


posted @ 12:15 AM | take a plunge.

Ang Hirap Maghanap ng Trabaho!!

Hindi naman kasi ako naghahanap... :p

Takot ang nangingibabaw sa akin. Pakiramdam ko hindi pa ako handa. Isip nga ako ng isip ng mga possible questions sa interview eh, at syempre, ng possible answers na katanggap-tanggap sa pandinig.

Ayaw ko munang magpasa kahit ng online applications kasi napa-paranoid ako... baka bigla na lang may tumawag dito (Puro call center kasi ang target kong apply-an. Malamang tatawag muna sila di ba, para malaman if I'm worth the personal interview later).

Isa ko pang gusto ay ung may kinalaman sa legal services. May nakita ako, kaya lang nalalaman mo ba kung saan? Sa Cavite!! Eh para namang napakalapit ng Cavite dito.

Pero nakakainip din pala, even if I have OFAD. Biro mo, April ano pa lang ba ngayon?

Sana sa May magkatrabaho na ako....

Pero bago un... sana magkaron muna ako ng lakas ng loob di ba...

posted @ 12:31 AM | take a plunge.

May 5th, 2004

PAG-IBEEG!!!

Para ito sa mga "kaulayaw" ko sa field kanina:

Love is long-suffering and kind.
Love is not jealous,
it does not brag,
does not get puffed up,
does not behave indecently,
does not look for its own interests,
does not become provoked.
It does not keep account of the injury.
It does not rejoice over unrighteousness, but rejoices with the truth.
It bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things.
Love never fails...
[ 1 Cor 13: 4-8 ]



posted @ 05:59 AM in | take a plunge.

Yeobo

"Here I go again, I promised myself
I wouldn't think of you today..."


Hindi naman talaga kita iniisip, not for most of the day, but when it's almost five in the morning and I'm watching the dark sky turn blue: the mere thought of you... nakakalunod.

Nope, hindi ako nag-eemote (kahit miss na miss na miss na kita). Ang luwang nga ng ngiti ko eh, para akong baliw (kahit naman "normal" mode baliw talaga 'ko di ba... haha =p). Wala lang, naaalala ko lang yung mga patawa mo... yung kaguluhang nagaganap pag nagsama tayo (partners in crime... haha!)... yung pag "pinapagalitan" mo 'ko kasi nagmumura ako o sobrang ingay ko't mukha na akong engot o meron akong ginagawang ikakapahamak ko (ang tigas nga ulo ko di ba? =p)... yung pagtatanong mo kung bakit ako malungkot o kung ano ang iniisip ko... yung pagsasabi mong "Smile naman dyan..." pag mistulang Biyernes Santo ang mukha ko (at syempre mapapangiti naman nga ako... syet! =p). Yung kasiyahan sa mukha mo pag merong magandang nangyare sa 'ken. Yung mga pilosopikal mong ideya at malalim na Tagalog. Yung mga pagtatampururot mo kuno. Yung walang katapusan mong pagli-link sa 'ken kung kani-kanino kahit paulit-ulit ko namang sinasabi na wala naman sa 'kin yon (hmp, wala ka lang kasing ibang masabi!). Yung mga kaartehan mo't reklamo pero deep inside alam ko, hindi ka mang-iiwan sa ere. I could go on and on with the list until Tabulas crashes (wag naman sana; mahirap mag-rebuild!) pero di pa rin kasya lahat yun dito.

You're a very good friend of mine.

Anyway, ika mo nga, hindi ka bato at alam mo "yun". Alam ko rin namang alam mo dahil naniniwala akong matalino kang tao. Saka sa tinagal-tagal ba naman ng panahon eh di mo pa mapapansin?? Sa lahat nga ng taong nakakakilala sa akin eh "nanunuot" yon, alangan namang ikaw pa ang hindi makaramdam??

Basta lamo na yun.

Hindi na tayo nagkita magmula nung gabing yon. Ni hindi tayo nagkaroon ng pagkakataong mapag-isa (mapagdalawa? hehe =p) matapos ang mga pangyayari kaya hindi ko alam kung ano ang reaksyon mo. Hindi ko alam kung galit ka ba o ayaw mo na akong makita o wala ka lang pakialam: pasok sa isang tenga, labas sa kabila. Hindi ko rin alam kung may mukha pa akong maihaharap sa 'yo. Ika ko nga noon, "Lupa, lamunin mo na ako!"

Patawarin mo ako; hindi ko sinasadya. Ewan ko nga ba kung bakit nagkaganun. Basta nung napagtanto ko, wala na... hindi ko na pwedeng ibalik sa dati. Ngunit ito ay hindi ko pinagsisisihan. Sana maintindihan mo. At sana malaman mong alam kong hindi ako yun at kahit kelan hindi magiging ako... at naiintindihan ko.

Naiinis nga ako kapag merong mga taong nagsasabi na ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko maharap ang mga bagay na dapat ay sinisimulan ko na ngayon. Ikaw raw ang dahilan kung bakit ayaw kong mag-move on. Ipipilit pa nilang hindi ko lang raw namamalayan, pero ganun daw. Hindi ba nila maintindihan na ikaw nga ang dahilan kung bakit gusto ko nang ayusin ang buhay ko?? Hindi ka hadlang sa mga pangarap ko; ikaw ang inspirasyon kung bakit nais kong matupad yun lahat. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa 'kin. Nagkataon lang na may iba pa akong dahilan kaya hindi ito matuloy-tuloy, pero wala kang kasalanan dun.

Bahala na. Basta I trust you.

Oo nga pala, it's the fifth day of the month today. May naaalala ka ba?

Uy kinikilig...

Joke lang. WHAPAAAK...!!


"...I would like to be the air that inhabits you for a moment only. I would like to be that unnoticed and that necessary." - Variations on the Word Sleep, Margaret Atwood


posted @ 06:04 AM | 2 splashed

May 6th, 2004

Nakawala

Matapos ang pagkahaba-habang panahon (two weeks!), nakalabas rin ako ng bahay. Nadama kong muli ang pagdampi ng sariwang hangin sa aking mga pisngi; nabahanginan ako ng sikat ng araw (vitamin E! ). Sa totoo lang hindi lang ako sinikatan ni Haring Araw; sa sobrang init eh para akong ikinula. Summer na summer na talaga!!!

First stop: UST. Chapel muna ako. Tapos... syempre saan pa ba ang bagsak ko kundi sa OFAD kong mahal. Ayun... "Na-miss mo kame noh...?," tanong nila. HOY KAPAL NYO HA!! Joke lang. Alam nyo naman pala, eh baket nyo pa tinatanong??

Check ng email... nailipat na pala ni M'Sha sa CD yung pics from her phone... eh kaya lang hindi ko pa nakuha lahat (mahabang istorya). Inasikaso ko rin yung transcript ko. Ampanget nga nung pagkakagawa nila... pinagkasya sa dalawang pahina ang apat na taon (dati kasi isang page para sa bawat AY) - ang sikip tuloy tingnan, para akong magkaka-migraine. Oh well.

Second stop: NBI Carriedo. Ngayon ko lang nakuha yung clearance kasi may "hit" ako (may kapangalan ako - akalain mo yun?? Merong iba pang Charito de Jesus sa mundo?? Hmm... ex-convict kaya sya??? Mwahaha ).

ANAK NG POTAKTE!! Mukha akong berdugo!! Sayang at hindi gumagana itong scanner, eh di sana'y nasaksihan nyo rin ang aking "hit" - mukha akong naka-"hit" ng marijuana!!

Finally: Quiapo. Natuwa ako sa tigsasampung pisong ti-pan. Enough said.

* * *


Got an email from Kabiruan at meron pang pic!! Hoy Mar, uwian mo naman ako ng snow... wahahaha!!


posted @ 07:20 PM | take a plunge.

My dear University of Santo Tomas

Survey 'to sa Friendster... lagay ko lang...

UST

Name:
Charito de Jesus

College:
College of Commerce and Accountancy

Nag-shift ka ba/na-kickout?
Hindi

Saan ka kumuha ng entrance exam?
Sa Educ Bldg, classroom ng 2R

Favorite subject/s:
Marketing, Services Management, PGC, Rizal Course, English/Lit, law subjects, Theology (mwahaha )

Favorite PE:
Football saka swimming!! (walang kwenta ang PE ko nung first year!! )

Name your favorite professor:
Si Sir Roda... "Mga @#$%& kayo!!" Bwahahaha!!! Saka si Sir German Saka si M'Bart saka si M'Galaboc!! Saka si Sir Suson!! "Could you imagine??" Aylabyu!!

Pinakasikat na prof:
Depende kung anong kategorya. Pero para sa 'ken... RODA!!!!

Pinakaayaw na subject:
Math nung third year first sem... PAKSHYET!! (Actually wala naman talaga akong ayaw, minsan kasi prof lang ang nagpapahirap.)

Kumuha ka ba ng CWS:
Hindi

Nakapag-field trip ka ba?
Parang ganun na nga... sa Cavite para sa Agri.

Ilang units na-drop mo?
Wala. Sana nga nag-drop na lang ako eh.

Ilang units binagsak mo?
6 units - FUNDAMENTALS OF ACCOUNTING!! Putragis kang Betty ka!!


THOMASIAN LIFE

Orgs/frats/soros?
Hmm... Red Cross, Haribon, Precom Society, JCBA, Lucky 9 (hehe ), Oh-fad ( )

Tambayan:
Corridor, pav saka lib (walang kamatayang Soc Sci..!!), OFAD office, football field, Dapitan

Dorm, boarding house, o bahay?
Bahay...

Umiinom ka ba sa drinking fountain?
Oo noh... lalo na pag walang pera...

Paboritong fishball?
Sa coop saka Asturias

Me suki ka bang bananaQ vendor?
Wala

Paboritong isawan?
Asturias!! Hi Manang!! (as if mababasa nya 'to... )

First movie na napanood after nung class?
Di ko na maalala noh... tagal na nun eh!

Nakapag-date ka ba sa school?
Ha? Ah... eh...

Name the 5 most coño orgs in UST:
Kung meron man, di ko alam

Magbigay ng org in UST na sa tingin mo ay ikaw lang, aside from the members, ang may alam:
Uhmm... Oh-fad???

Name 5 of the coolest orgs/frats/soro in UST:
Eh di yung orgs na kasama ako...

Ano pinakagusto mong gawin sa UST?
Makipag-ulayawan

May frat/soro bang nag-recruit sa 'yo?
Ewan ko kung counted ba yun... for law school kasi yun. Eh hindi pa naman ako isang ganap na law stude.

Saan ka madalas mag-lunch?
Walang kamatayang BRB!! Breaded pooork chop!! Pati dinner minsan dun na rin!!

Masaya ba sa UST?
Oo naman... tatagal ba ako ng walong taon dun kung hinde???


FIRST TIME

Sinamahan ka ba ng parent/s mo nang mag-enrol ka nung freshie?
HS: Syempre
College: Kasama ko nanay ko... nagmamarunong pa nga ako nung una eh, pero buti na lang pala andun sya, kundi...

Nagtaka ka ba kung saan ang TBA?
Eh ano ba yun?

Sino first ever nakilala mo sa UST?
Rica Brucal or Ace de Castro?? (nung highschool)

Magkakilala pa rin kayo hanggang ngayon?
Oo naman noh... friendsters nga kame eh...

Ano first ever class na pinasukan mo sa UST?
Di ko na maalala eh... tagal na nun...

Best clothes mo ba ang suot mo nung first day of classes?
UNIFORM (both HS and college) --> GOOD GIRL??

Um-attend ka ba ng orsem?
Nung college? Hinde... tumambay lang ako sa Batibot with my HS classmates.

Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka?
Hindi

Eh nung graduating ka na?
@#$&%!


LOVELYF UST

Nagka-bf/gf ka ba sa UST?
ASAWA!!! Joke

Kanino ka pinaka-patay sa UST?
Patay tayo dyan...

Ikaw ba ay na-devirginize sa UST?
"V" pa

Saan ka nag-aabang ng hot babe/men sa UST?
Hindi ako nag-aabang noh... hahaha (SINUNGALENG!!! )

Ilang beses ka nambasted/dineadma ng crush mo sa MAPUA?
Ha? Anong kinalaman ng Mapua?

Generally, me lovelyf ka ba sa UST?



posted @ 08:16 PM | take a plunge.

Last na... ABC's

A - Age:
19

B - Band listening to right now:
Wala. Baka mag-hang ang ancient naming computer...

C - Career in the future:
Isang matinik na lawyer (haay sana! )

D - Dad's name:
Eduardo

E - Easiest person/s to talk to:


F - Favorite song(s) at the moment:
Marami... sa playlist ko.

G - Gummy Bears or Gummy Worms:
Wala akong pambili

H - Hometown:
Morayta Republic

I - Instruments:
Piano (mangarap ka... )

K - Kids:
Si Ronald... pinapa-chemotherapy ko pa...

L - Longest car ride ever:
Can't remember

M - Mom's name:
Felipa

N - Number of siblings:
Two sisters and a bro

P - Phobia(s):
Wala naman... ah! BUWITRE

Q - Favourite Quote:
"PAG-IBEEEG!!!"

R - Reason to smile:
YOU?

S - Song you sang last:
Fixin' A Broken Heart (potakte!! )

T - Time you wake up:
ngayong summer...
pag di puyat: sometime between 7 to 9am
pag puyat: alas dos ng hapon!!!

nung may pasok pa...
sometime between 6 to 9am

U - Unknown fact about me:
Sikret

V - Vegetable you hate:
Wala naman

W - Worst habit:
Magmura ng magmura; mag-isip ng mga weirdong bagay na hindi maganda sa kalusugan.

X - X-rays you've had:
Can't remember

Y - Yummy food/s:
Lahat

Z - Zodiac sign:
I'm a true-blue LEO!! Roar!!


posted @ 10:56 PM | take a plunge.

May 7th, 2004

Complaint to the Muses

Why should I have to eat the dust
And give the bended knee
Before my lips can touch the hem
Of immortality?


These words were written in 1935 by Angela Manalang Gloria, a Filipino poetess. Sixty-nine years later, yours truly feels exactly the same way.

BAD TRIP.

* * *


Got off the phone with Joan an hour or so ago. Pep talk, pep talk. I know. These things tirelessly run through my mind, I feel like exploding. But as Cams used to say, "Alam mo naman ang solusyon sa problema mo. Ayaw mo lang tingnan."

I FEEL STUPID.

* * *


I wish I could talk to Kristoni. Why now, when he's literally a thousand miles away?? We had all the time in the world then.

BUMALIK KA NA NGA DITO SA PILIPINAS! KELANGAN KO NG KAUSAP!!

Sige na nga, I'll write you a letter na lang...


posted @ 02:19 AM | take a plunge.

May 8th, 2004

Pahabol...

Course:
BSC major in Business Administration

Student Number:
Sikret

Café Dapits o Coffee Indulgence?
Wala

Na-stranded na ba kayo sa USTe dahil baha? San kayo natulog?
Hindi pa. Sayang nga... adbentyur sana yun

Fave computer shop?
Dun sa PhP3 printing sa Asturias.

Ano ang third line sa UST Hymn?
Sweep with your golden lilies

If ever na magshi-shift ka ng course, ano gusto mo?
Journalism (that's my other choice noon); Legal Management

Natulog ka na ba sa library? Sang section ka usually?
Minsan lang naman, sa serials. Nung HS after ng NSAT review namin. Tapos nagsuka ako... (may sakit kasi ako nun) --> Syempre mega-paliwanag naman ako...

Did you ever do IT inside the campus?
Did what??

Do you own any college shirts?
Yup

Sticker meron ka?
Oo naman!

Hatest staff sa college nyo?
Si Joel. Hindi naman siguro hate... kainis lang pag kelangang-kelangang magpa-reserve ng room/equipments tapos hindi sya mahagilap.

Do you know any student council peeps?
Yes

Nag-interview sa 'yo:
Prof. Relis

Do/Did you have evening classes?
PM ako nung majoring years na. Nung precom... ah, ibang "classes" ang ina-attendan ko kaya ako ginagabe...

Pinaka-cute mong blockmate:
Precom: Ryan John Roxas (Hoy walang isyu dito ha! Anyway alam naman ng lahat na sya ay isang beautiful person inside and out.)
BA: Daniel Santos Jr. (Again, this is plain observation. Defensive na kung defensive... )

Mga naging crush mo sa college mo:
Mukhang marami-rami yun ah... Saka hindi lang naman sa Commerce

Naglakad ka na ba sa Lovers' Lane with your.... tooot???


Nagpa-check up ka na sa Health Service?
Natulog pa

Kumain ka na sa canteen ng hospital?
Oo... sarap ng waffles nila

Fave food sa coop?
Nachos!!! Saka quail eggs... saraaap!!

Anong uniform pinakagusto mo sa lahat ng colleges?
Law

Napahiya ka na ba sa klase? Paano?
Hmm... not really... nung second year kasi, first day ng class, sabe ng prof bago sya magtawag ng attendance eh "Correct me if I'm wrong." tapos unang-unang pangalan pa lang nagkamali na sya, eh there's nothing tricky naman 'bout my classmate's surname. Anyway eh di tawa naman itong mga hinayupak na 'to The prof asked, "What's so funny?" Eh walang sumasagot, at ako'y isang magalang ngunit gagang bata, "Sir, wala po." Eh di sa akin nabaling ang kanyang atensyon at sabe nya, "Laugh if you're brilliant!" Pero tawa lang ako ng tawa kahit pinapagalitan na ako pano tawa pa rin ng tawa ang classmates ko And... haha, talagang brilliant ako noh... joke

Highest grade na nakuha mo? What subject yun?
1. Marriage (potakte pinagmalaki pa! )


posted @ 01:53 AM | take a plunge.

God is my refuge

Before I went to bed last night (this morning ), I opened my Bible at Psalm 18 ang tumambad sa aking paningin. THANK YOU LORD. I am

posted @ 01:57 AM | take a plunge.

May 10th, 2004

Tips (daw) on how to control your emotions...

Naka-post sa Friendster. Read on...
@ @ @

This would give you guides on how to control your emotions towards your other half, friends, officemates and all the people around you... the four rules of practicing "ugaling langit: ugaling kaaya-aya"...

1. Ang naunang magalit ang may karapatang magalit.
Pag naunahan ka ng galit nya, tahimik ka na lang muna...

2. Walang taong nag-aaway mag-isa...
Pag di kayo sumagot or pumatol, titigil din daw ang taong nakikipag-away sa inyo...

3. Ang taong galit, "bingi".
If someone is angry, wala raw pinakikinggan... so don't try to explain and fight back cos di ka nya iintindihin dahil wala syang naririnig kundi ang sarili nya...

4. Ang taong galit, abnoy.
According sa pastor, biblical daw ito... cos the Lord said when He was crucified... "Ama, patawarin mo sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa..."; modern term for these kind of people are abnoys... so you better not get angry para wag ka matawag na abnoy... hehehe

You should also know and realize that the persons who make your day bad are jewels... because you need them for you to mature... hangga't andyan daw sila at kinaiinisan mo, ibig sabihin immature ka pa rin... God will not take away those people; it's for you to take away your bad feelings towards them...

You'll know na mature ka na pag dumating yung time na di ka na naiinis sa mga taong ito because you have learned to accept them and to have patience with them...


posted @ 10:50 PM in | take a plunge.

May 11th, 2004

HALALAN 2004

Ang agang gumising ng mga tao rito kanina. Excited bumoto. Ako naman, patulog pa lang mula sa magdamagang pag-iinternet. Ka-chat ko ang isa sa aking mga kabobo, at pa-surf-surf din sa kung saan-saang lupalop sa world wide web.

Naiinggit ako sa kanila dahil hindi ako makakaboto. Hindi ako makaka-take part sa napakalaki at napakahalagang pangyayaring ito. Obviously, turning point ito ng ating bansa: for better or worse, for richer or poorer, in sickness and in health, till death do us part. Pati mga batang wala pa sa edad bumoto'y may opinyong nais ibigay. Gising na rin siguro sila; nalalaman nilang nasa kamay ng mga maihahalal ngayong eleksyon ang kinabukasan ng ating bayan: kung tayo ba'y aahon o lalong malulugmok sa pusaling kinasasadlakan.

Eh bakit nga ba ako hindi makakaboto? Hindi po kasi ako nakapag-register. Eh bakit nga ba ako hindi nakapag-register? Kasi po abala ako sa pagtatrabaho't pag-aaral. Eh bakit, open rin naman ang Comelec pag Linggo ah? Opo, bukas nga po. Ngunit noong mga panahong yon, kailangang-kailangan ng aking mga kapamilya sa trabaho ang aking tulong. Maski Linggo ay may duty kami. Tapos kung kelan ako nagkaroon ng pagkakataong umalis, at last day dapat ng registration (October 31) - anak ng...! SARADO ANG COMELEC!!

Nagkaroon ng extension hanggang November 9, ngunit by that time ay abala na naman ako sa mga bagay-bagay na dati ko pang pinagkakaabalahan...

Yan ang dahilan kung bakit hindi ako makakaboto. Bad trip noh?

@ @ @

Brownout kanina sa apat na presinto dito sa Sampaloc. Hindi lang siguro sa lugar namin nawalan ng kuryente. Marahil ito'y dahil sa pag-ulan kaninang hapon. Kung may iba pang dahilan ay hindi ko na alam.

Bukod rito'y marami pang kinaharap na problema ang mga taong in-charge sa election sa iba't ibang parte ng ating bansa. Gaya ng mga balotang nawawala. Mga taong matagal nang namayapa ngunit nasa listahan pa ng mga botante. Mga taong buhay pa ngunit hindi makaboto sapagkat wala sa listahan ang kanilang mga pangalan. Mga taong hindi makaboto sapagkat "nakaboto" na raw sila (may gumamit ng pangalan nila). Mga taong gumagamit ng pangalan ng iba upang bumoto gayong meron naman silang sariling pangalan. Mga taong nang-aagaw ng ballot boxes na para bang bola ito ng football. Mga taong pampalipas-oras na yata ang paghahagis ng granada kung saan maibigan. Mga supporter ng iba't ibang kandidato na nagbabalugbugan maipakita lamang ang kanilang loyalty sa pambato. Para namang maipapanalo nila ang kanilang sinusuportahan kung makikipagbugbugan (makikipagbogbogan... ) sila sa ibang tao. (Iwan nyo na kay Pacquiao ang boksing!)

Parte na siguro ng bawat halalan ang kaguluhan. Pero hanggang kailan tayo ganito?

@ @ @

Hindi talaga ako mahilig sa pulitika (kahit na gusto kong maging lawyer balang-araw, at intertwined ang law at public administration). Bata pa kasi ako'y nakita ko na ang kaplastikan ng karamihan sa mga tumatakbo; ika nga, "A politician will always be there when he needs you," at nakakawalang-gana itong talaga. Pero sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa, kahit siguro gaano ka pa kamanhid ay magkakaroon ka bigla ng pakialam. Kasi kung hindi ka makikialam, talagang magpapatuloy ang kaplastikan sa gobyerno. Kung gusto mo ng pagbabago, magsimula ka sa sarili mo... kilatising mabuti ang mga kandidato (kaya lang nga sa 2010 pa ako makakaboto... bwiset!).

TV lang ang access ko sa halalang naganap. Nakakatuwa ang ilan nating kababayan: damang-dama ko ang pagnanais nilang magkaroon tayo ng matapat at mapayapang eleksyon. Talagang binabantayan nila ang kanilang mga boto. At pag may naamoy silang kahina-hinala... PAKPAKPAK!!

Mahigpit ang labanan nina FPJ at GMA. Hindi naaalis ang dalawa sa una't ikalawang posisyon sa tally sheet; nagpapalit lamang sila ng pwesto paminsan-minsan.

Excited na tuloy akong malaman kung sino ba sa kanila ang mahahalal. Mahaba-habang panahon ang anim na taon. Makabangon kaya tayo?

BANGON, PILIPINAS... BANGON.

@ @ @

Something extra: an email from Bobongpinoy:

- Ayoko sa kandidatong tumatakbong senador pero ibang senador ang pinagsasalita sa patalastas.

- Ayoko sa kandidatong sarap na sarap sa pagtanggap ng pasasalamat ng mga tao dahil sa cellphone na para bang ang serbisyong bayan ay hindi n'ya karangalan o obligasyon...na binayaran sa kanya ng buwis ng taumbayan.

- Ayoko sa kandidatong 13 months nang nangangampanya.

- Ayoko sa mga kandidatong mayaman sa patalastas, lalo na yung mga kumakanta at sumasayaw lang.

- Ayoko sa mga kandidatong gumastos ng napakalaki.

- Ayoko sa mga kandidatong may mga KAIBIGAN na gumastos ng napakalaki para sa kandidatura nila. Wala akong pambayad sa kanila o sa mga KAIBIGAN nila.

- Ayoko sa mga kandidatong gumagamit ng artista, lalo na sa mga hindi akmang artista, at sa mga nakikipagparamihan ng artista. Kahit na ikaw pa ang pinakamatinong kandidato, kung sa ganitong paraan mo kinukuha ang boto, malinaw na kinukonsinti mo ang kamangmangan ng maraming Pilipino. Wala nang mas makasarili pa sa taong nagsasamantala sa kamangmangan ng iba. Lahat ng tyrant sa kasaysayan ng mundo, nakinabang sa kamangmangan ng tao.

- Hindi ko iboboto ang mga kandidatong tumanggi sa debate. Debate pa naman sana ang pinakamainam na paraan para maliwanagan ang tao at magkakaroon ng political maturity sa bansa. Katulad ng nabanggit sa itaas, kung takot na mabuko ang kandidato na bobo sya, at kung mas gusto nyang tanggap at ayos lang sa mga mamamayan ang bobong pinuno, walang magbabago sa takbo (o gapang) ng bansa.

- Hindi ko iboboto ang kandidatong parang birthday gift ang plataporma. SURPRISE. Wala kang idea kung ano.

- Hindi ko iboboto ang kandidatong nakaasa lang sa mga tao sa paligid n'ya. Delikadong iasa ang bansa sa taong papunta sa lugar na hindi n'ya pa napuntahan at wala s'yang mapa, at umaasa lang sa mga kaibigan na gagabay sa kanya. Kailangan natin ng lideratong makakapag-desisyon at makakatayo sa sariling paa, bantaan man s'ya ng lahat at iwanang mag-isa. (Hindi ko sinasadya na magkakatunog ang ginagamit kong salita, jumping jupiter para na kong makata!)

- Sa pangkalahatan, dalawa lang ang criteria ng mga matitinong botante sa pagpili ng kandidato: 50% character o track record. At 50% plataporma o kaalaman sa problema ng bansa... Kahit wag na muna nating pag-usapan kung nambobola lang yung kandidato o kung hindi n'ya kaya pangatawanan ang plataporma nya. May mabanggit man lang s'ya, ayos na. Pasok na sa elimination round. Sa puntong ito, laglag na sa kin ang puppet na mainitin ang ulo.

- Ayoko sa presidenteng nakikipag-away sa reporter sa panahon ng panunuyo. Ang kailangan ng bansa ay pinunong may tiyaga, pasensya, at tamang pag-iisip, at hindi batang kailangang suyuin o lasing na kailangang iwasan.

- Ayos sa akin ang presidenteng mainitin ang ulo... sa tamang lugar! Ayos lang na sabunin ang mga palpak na kawani ng gobyerno. Put@^#%$, sino ba hindi napapamura pag nakapila sa govt. agencies lalo na kung isang araw ka nang hindi kumakain kakahintay sa papeles mo dahil lang sa red tape at incompetency ng mga kapwa mo Pilipino na kung itrato ka e para kang pinapastol na kalabaw?

- Ayoko ng status quo. Sa pagpapalit ng pinuno, pwedeng mapabuti o lalong mapasama ang lagay ng bansa. Pero sa takbo natin ngayon, mukhang nangangailangan ang bansa ng isang magiting at mapagrepormang sugal.

- Ayos sana sa akin ang determinasyon at mga binibitiwang salita na pwedeng mapanghawakan, pero ba't biglang tumigil ang political ads n'ya paglabas n'ya ng bansa gayong ipinangako nyang 'Tuloy ang laban'?

- Ayos sa akin ang kandidato na may mabuting kalooban at magandang hangarin para sa bayan, pero sa tingin ko e magkakaroon tayo ng malaking problema kung hindi makakasundo ng maraming Pilipino ang plataporma n'ya.

- Ayos sa akin ang kandidatong tumatakbong mag-isa kahit na iniwanan na ng mga kaibigang pulitiko. Ang nangangampanya nang walang artista. Ang nangangako ng pagmamatigas habang ang iba'y pilit na nakikipagngitian. Ang nakakasagot nang matino sa mga isyu nang may kompiyansa sa sarili at sa mga salitang binibitiwan. Kahit na nagpatalsik lang yata s'ya ng laway sa exposè nya.

- Ayos sa akin ang kandidatong aahon sa atin sa kumunoy ng bilyung-bilyong utang. Pero hinihintay ko pa ang pinakahuling pagpapasya ng Supreme Court!


Lahat ng kandidato may kaso, may tsismis, may isyu. Ang ilan, totoo man o hindi, hindi natin alam o malalaman. Pero sa panahon ng pangangampanya, maraming kulay ang naglalabasan. Gano'n pa man, ang gusto lang nating tignan ang makikita natin; ang ayaw, hindi.

Posibleng ang 'Vote Wisely' ko ay hindi 'Vote Wisely' mo. Walang tamang kandidato. At lalong walang perpektong kandidato. Meron lang tamang dahilan sa pagpili ng kandidato. 'Yun, sa tingin ko, ang matalinong pagboto.

---------------------

BoBOTANTE

"Kay _______ ako dahil s'ya ang mananalo!"

"Sayang lang ang boto ko kay _______ dahil di naman s'ya mananalo... kay _________ na lang ako."

(NOTE: Hindi text game ang presidential election kung saan bubunot ng lucky home viewers ang COMELEC para mamigay ng premyo sa mga bumoto sa winning candidate!)

(Pre-conditioning. Sa lagay na 'to, dapat mang pagtiwalaan ang mga survey o hindi, malinaw ang masamang epekto nito sa mga boBOTANTE...at ang mabuting dulot sa mga gustong mandaya!)

----------------------

Mahirap ayusin ang sistema ng bansa hangga't hindi nauuso ang accountability. Bakit pumatol ng absentee voting at electronic poll ang COMELEC kung kulang sa pondo? Bakit kelan lang kampante sila at ngayong last minute nagkakasisihan dahil sa paraphernalia? At ano ang kababagsakan ng sisihan pag natukoy na ang dapat sisihin? Kung sa eskwelahan yan, bagsak ang estudyante. Kung sa trabaho, talsik ang employee. Kung sa gobyerno, news flash... tapos wala na!

----------------------

Walang problema kung gusto ng isang "artista" na maglingkod sa bayan. Pero dapat s'yang tumigil sa pag-aartista habang nasa posisyon, dahil sa pagkakaalam ko ay ito ang iniuutos ng batas at ang hinihingi ng trabaho.

----------------------

Lord of The Rings at political dynasty

Hindi ko alam kung ano ang dating sa inyo ng LOTR, pero umpisa pa lang hindi ko na maiwasang isipin na political parable ang napapanood ko. Mabibilang lang siguro ang taong habambuhay na hindi mako-corrupt ng sobra-sobrang kayamanan, lalo na ng kapangyarihan.

Sa nabasa ko dating Young Blood compilation, nabasa ko ang kwento ng isang bata (?) kung paano unti-unting na-corrupt ng pulitika ang napakatino n'yang tiyuhin.

Hindi naman masama ang dynasty, pero maraming pwedeng maging isyu at kumplikasyon ang sunud-sunod na pagpapasa ng kapangyarihan sa mga kamag-anak o sa isang grupo ng tao na may eksklusibong interes. Delikado ang sino man o anumang grupo na babad sa kapangyarihan. Bukod dyan, tatlo rin ang dapat manahin ng bagong pinuno: sipag, talino, at malasakit. Walang garantiya na mamamana yang lahat ng ikalawang henerasyon ng parehong angkan, lalo na sa ikatlong pagkakataon o sa susunod pang mga henerasyon. At sa tingin ko hindi rin naman dapat panghinayangan ang napakagaling na pulitiko. Dahil masasabi mo lang na napakagaling n'ya kung magagamot n'ya ang dating pilay na sistema hindi lang para sa kasalukuyang henerasyon kundi para na rin maipamana sa mga susunod pa.


posted @ 03:25 AM in | take a plunge.

Random Thoughts

Buti naman at may bagong dial-up number pala itong ISP ko. Mas mabilis kumonek. Mahusay, mahusay.

# # # # #

Pag ba lawyer ka, kelangan mahilig ka sa pulitika? (I hate politics!)

# # # # #

San ba 'ko magla-law, USTe o Beda?

At saka, hihintayin ko pa ba talaga ang 2007 tapos full load, o start na ako this year (kung may open pang exam sked) or next year (kung wala na) at isasabay ko na lang sa work - paunti-unting units lang muna?

# # # # #

May trabaho na si Kristin, sa BPI. Beri gud. (Pero I can't help feeling, napag-iiwanan na ako. Puta. Pero kasalanan ko naman. Everything is in my hands; I am the one who holds the strings.)

# # # # #

Nasa Divisoria ako nung Linggo with my mom. Mothers' Day na Mothers' Day eh nautangan ko pa tuloy. We bought some office clothes. Tapos pinuntahan namin ang kasuluk-sulukan ng 'soria. As in palengke. Ang dami ko tuloy nalamang bagong bilihan ng kung anu-ano. Saka nakita ko na sa wakas yung sinasabi nina Cama na Divisoria Mall. Hindi ko nga lang nahila ang nanay ko roon pano'y pakiramdam ko, hihiwalay na yung baywang ko sa katawan ko. Manananggal in the city ito. Ilayo sa akin ang asin.

# # # # #

Ayaw ko na munang magpakapuyat. Magkaka-brain damage na ako.

# # # # #

Gusto kong magturo sa UST someday. Hindi ko pa alam kung anong subject. Pero papayagan ba naman nila ako, eh nagkabagsak ako dati sa Accounting? Kahit hindi Accounting ang ituturo ko, may mantsa pa rin ang transcript ko.

# # # # #

Baliw daw si Miriam Defensor-Santiago. Pero bilib ako sa kanya. Kaya lang siguro sya natatawag na baliw eh kasi hindi kinaya ng iba ang kapasidad ng utak nya. Alam kaya ito ng anak nya?

I wonder what it's like to be her student, or kahit makipagbalitaktakan man lang sa kanya. Interesante ito.

# # # # #

Kumusta na kaya'ng classmates ko? Hoy mga kupal (ika nga ni Jo Mapue), kain naman tayo ulit sa Binondo. Ulitin natin yung nung Baccalaureate. Arkila uli tayo ng jeep...

Inuman na lang kina Leo, oh...

# # # # #

Watched Cruel Intentions. "Can you honestly tell me that you feel nothing for me?"



# # # # #

Ano ba talaga ang tunay na pagmamahal - yung pakawalan mo sya't ipasa-Diyos na lang ang lahat, o yung ipaglaban (ipamukha? ) mo ang pag-ibig mo sa kanya? Yung pabayaan mong hanapin nya ang kaligayahan sa sarili nyang pamamaraan, o ipakita sa kanyang handa kang ibigay ang mundo sa kanya?

# # # # #

I MISS YOU. Pa-kiss nga... WHAPAAAK!!!

You're always in my prayers.



# # # # #

Palabas sa TV ang Princess Sarah. Right now she's reading French from a sampler.

I wish I could speak French. And Korean. And Chinese. And Japanese. And Italian. And Spanish (cos all I could say is "Punyeta"... joke ).

# # # # #

Hindi ko alam kung mahilig ako sa mga bata. Pero mabait ako sa kanila, kahit makulit sila.

Pag kaya ako na ang nagpapalaki sa kanila, at araw-araw nila akong kukulitin, mabait pa rin ako?

Which reminds me of a conversation I had with a friend. Napag-usapan kasi namin yung mga times na napalo kami noong aming kabataan. Sabi ko sa kanya, pag nagkaanak ako, hindi ko sasaktan. Sabi nya, "Ako, sasaktan ko." (When he said that, he had this stubborn look on his face. Gusto ko tuloy matawa.)

I see his point naman. Pero kung kakayanin ng masinsinang pag-uusap, ayokong mamalo.

# # # # #

Hanggang ngayon hindi ko pa natatapos yung sulat ko kay Toni na April 12 ko pa ata sinimulan. Pesteng procrastination yan. I hope he'd get it in time for his birthday.

(I hope I could mail myself to him )

# # # # #

I just read one of my writings before. "I can smell fresh pain, clear as I see it in your eyes." Nakanampuch!! Ang drama!!

Siguro I'll post it here someday... walang mandidiri ha?!

# # # # #

Nakita ko last week sa Friendster profile ng ex ko, "Status: In a Relationship."

Wala na akong damdaming "ganoon" para sa kanya, and duh, natural lang na magka-gf sya ulit dahil kelan pa ba naging kami?? 1996 pa! Saka before this one nabanggit naman nyang nagkaroon na rin sya ng iba pa.

Pero medyo nasaktan pa rin ako. But more on pride. Parang... "Syet! Pinalitan mo na ako!" (Matagal na, gaga.)



# # # # #

Saka ko na ito itutuloy. Sa bilis ng pagpapalipat-lipat ng utak ko sa kung anu-anong bagay (na walang katuturan ), sa dulo ng walang hanggan pa ako matatapos magsulat. Punta muna akong school. Saka ide-deposit ko pa sa bank ang sweldo ni Mareng Marot. Baka masarhan ako.


posted @ 10:53 PM | take a plunge.

Kakaibang Friendship

Something forwarded to me through email

@ @ @

When you are sad,
I will get you drunk and help you plot revenge against the sorry bastard who made you sad.

When you are blue,
I will try to dislodge whatever is choking you.

When you smile,
I'll know you finally got laid.

When you are scared,
I will rag you about it every chance I get.

When you are worried,
I will tell you horrible stories about how much worse it could be and to quit whining.

When you are confused,
I will use little words to explain it to your dumb ass.

When you are sick,
Stay away from me until you are well again. I don't want whatever you have.

When you fall,
I will point and laugh at your clumsy ass.

This is my oath, I pledge till the end.
Why, you may ask?
Because you're my friend!




posted @ 11:24 PM | 2 splashed

"Ma, I feel like dying..."

Napatingin sa akin ang nanay ko mula sa pagbabasa ng dyaryo. "Siraulo," sabi nya.

Pero nakita ko sa mga mata nya, natakot sya.

And I'm very sorry I ever said that.


posted @ 11:34 PM in | take a plunge.

May 12th, 2004

Verum Est...???

Got the link from ALetHiCinRiA... 'stig ka, gurl

This site is certified 25% EVIL by the Gematriculator
This site is certified 75% GOOD by the Gematriculator



posted @ 12:43 AM | take a plunge.

May 13th, 2004

Cute

Got the link from abbey_road:


Which poem are you?

Sonnet 17 by Pablo Neruda

Aw, you're a romantic. You believe in true love and all that sort of stuff. How cute are you? To you, love is incredible and amazing.

Personality Test Results

Click Here to Take This Quiz
Brought to you by YouThink.com quizzes and personality tests.



Ang saya. It's one of my fave poems kasi. Eto nga pala yun (malabo kasi yung naka-print sa graphic):

Sonnet XVII
by Pablo Neruda

I do not love you as if you were salt-rose, topaz
or arrow of carnations that propagate fire:
I love you as certain dark things are loved,
secretly, between the shadow and the soul.
I love you as the plant that doesn't bloom and carries
hidden within itself the light of those flowers,
and thanks to your love, darkly in my body
lives the dense fragrance that rises from the earth.

I love you without knowing how, or when, or from where,
I love you simply, without problems or pride:
I love you in this way because I don't know any other way of loving

but this, in which there is no I or you,
so intimate that your hand upon my chest is my hand,
so intimate that when I fall asleep it is your eyes that close.


posted @ 12:53 AM | take a plunge.

PARENTAL GUIDANCE

The link's from iggy (you should read her blog... ang kulet! haha! )


My life is rated PG.
What is your life rated?


Haha parental guidance?? Wowee. Sana totoo, para hindi pala ganun kagulo buhay ko, ako lang nagpapagulo. Wahaha


posted @ 03:17 AM | 2 splashed

BRAIN DEAD!!!

O kaytagal kitang minahal...
minahal...
minahal...
minahal...


Peste, nag-hang na naman ang PC.

BURNOUT???

# # # # #

Pumunta ako ng office nung Tuesday. Hiyeeees, nakuha ko na ang sweldo ko!!

Come Wednesday: Ako'y natutulog pa rin kahit hindi na makatarungan ang oras nang marinig kong isinisigaw ng mga tao ang aking pangalan. Napakalakas, parang sirena ng bumbero. May sunog ba? Kaya ba mainit dito sa kwarto?

"May bisita kaaaa!!," sigaw ng isa kong kasambahay.

Duh? Eh sino?

Si Zar.

Walangya. Fresh na fresh ako. As in hindi pa ako nagmumumog. Yuck.

We spent the rest of the day sa office. Ayun, nag-check ako ng email (mwahaha). Mas masarap mag-check dun kesa sa bahay kasi ambilis ng net nila eh...

Pinaplano na nila ang magiging operasyon this year. Sabi ko nga kay Ma'am Sha pagkatapos, "O, ano namang kabulastugan ang napagmitingan nyo??"

Oh well. Naalala ko bigla ang sinabi ni Ate Cha na mag-P10 naman uli kame. So I texted her.

After 48 years, she came. Windang ang lola mo. Panay pasasalamat nya na napasama sya sa munting salu-salong ito. Tanong ko nga, ngayon ka lang ba ulit nagkaron ng human interaction?? She confirmed na puro makinarya nga ang kaharap nya dun (maski nga ata tao eh asal-makinarya eh... )

Nakakaloka yung isa nyang kwento. May kasama raw syang tatlong beses napagalitan nung araw na yon. Ika nga nung kanyang kasama, "What's with the day??"

Buti sana kung kasalanan mo. Eh pano kung napagbintangan kang hindi nagsosoli ng file pero sinoli mo naman? At mare-realize later nung taong nag-aalburuto na nasa ibabaw lang pala ng kanyang table ang nasabing file, hindi lang nya nakita kasi nakabaligtad? Buti sana kung nadaganan yun ng iba pang gamit, ngunit hindi. Yun lang talaga ang nasa ibabaw ng table. Ohdiba ang saya-saya??!

# # # # #

Tinanong ko rin sya kung nakakabaliw ba talaga pag kulang ka sa tulog... scientific explanation syempre, Ate Cha being a psych major and all that. Sabi nya, lack of oxygen daw kasi sa brain kaya nagkakaganun. "Actually, nagsisimula yan sa memory loss eh... tapos lack of concentration... pag na-prolong, ayun... dire-diretso na yun..."

Potakte yan. Nagkaka-memory loss na ako eh (medyo). Matutulog na ako bago ako ma-brain dead.

Naalala ko tuloy yung feasib days namin, yung tipong 36 hours akong dire-diretso at bigla na lang akong napaiyak sa sobrang kapaguran at kawalang pag-asa (no joke!).

Nginiiig...!!

# # # # #

Pero sa totoo lang, nakaka-tempt magpuyat. Ang tahimik kasi ng mundo. Walang distractions. Yun nga lang, masyado raw akong magastos sa kuryente sabi ng nanay ko. Nakaharap lang kasi ako sa PC magdamag (adik! pakshyet! ). Tapos pag gising na ang mga tao, saka naman ako matutulog. Syempre mainit, kahit buksan ko pa yung bintana, kaya naman nakatutok sa akin yung electric fan. Sobrang init na nga nung e-fan, pati yung hangin na ibinubuga nya eh ang init na. Ang laking tulong para mabawasan ang summer fever, di ba. Buti nga hindi ako nasasabugan dito, ang hilig ko kasing mag-overuse ng e-fan.

# # # # #

Naisip ko pa naman, wow bagay sa 'kin ang graveyard shift sa call center!! Oi pera 'to. Pera, pera, pera!

Pero kung mababaliw ako... yikes. Baka ipang-mental lang sa akin yung naipon/maiipon ko...


posted @ 09:54 PM in | 2 splashed

May 18th, 2004

A Trip Down Memory Lane

For the past three days I've cleaned house... grabe na ito, nagiging domesticated na ako! Well at least it diverted my mind from my so-called depression... luminis pa yung kwarto. Ohdiba.

Clearing almost everything out led me to these: thesis drafts of my older sis, my own drafts sa feasib, sandamakmak na zerox sa lahat ng subjects, old notebooks, photographs, cards, souvenirs sa mga debut (mostly figurines), more figurines (gifts pag Christmas o birthdays), still more figurines (baket ba ang hilig ng mga tao sa pigurin???), notes na pinagpapasa-pasahan habang class.

Let's get to those notes. La lang, natatawa lang ako, lalo na yung mga nung highschool pa. One even said: "Pakipasa naman yung activities ko. Pakisagutan na rin yung mga kulang ko. Saka na ako babawi! Thanks!"

(Nung highschool, we have these "activity cards"... para syang homework, pero hindi rin kase we're supposed to accomplish them at school; we're given time every other day - called "Individual Work", or IW - to finish these. The next day we'll discuss everything we've written in these activity cards with our teachers - ang tawag naman dun, "Encounter".)

Saka yung caricature ko noon depicting Shawee; may caption pa yon, written in Ilocano. Muntik na nga akong masapak nun ni Sharon eh... Secret na lang kung ano yung caption. (Joselle and Mischelle, remember this?? Mga walanghiya, kasama kayo sa promotor nun noh!! Nahuli tuloy ako!! )

Walang katapusan rin akong nakakakuha ng ganito: "Chat: I just wanna be with you. From your secret admirer. P.S. I love you."

May variation din naman. Minsan ang nakalagay, "I knew I loved you before I met you," o kaya "I'm always thinking of you."

(Alam ko kung sino ang nagse-send nito... gago talaga kayo!! Ang korni nyo ha, pa-P.S. P.S. pa kayo dyan! )

Pero siguro ang pinakamatindi ay yung notes na pinapasa sa akin nung naging "kras" ko si PAPA ADOR (Yuck ampanget ng codename!! May history kase yan kaya ganyan. Weirdo talaga ako nung HS... bwehehe ). Madalas si Jhetty ang nagse-send sa akin eh. Eto ang ilan sa kanila:

- "Eh bakit kaya hindi makatingin kay Sir?"
- "KILIG!!"
- "Chat, ayan na si Papa Ador!!"
- "Si Ador kamukha si Rudy Fernandez. Tignan mo!"
- "ADOR AND ADORA NUPTIAL"
- "Kahit saan ka man naroroon / Pintig ng puso ko'y para sa 'yo / Naghihirap man ang aking damdamin / Nagmamahal pa rin sa 'yo giliw...!! PAPA ADOR" (lumang kanta yan... lakas talaga mag-trip ng mga tao noh...? )

I also came across this "poem" that I doodled one boring day:

Today in Trigo Class

I want to listen to you
Learn something from you
But I can't bear your whining
Your voice is so annoying

I want to pay attention
But you only cause me irritation
Maybe I'm a little too impatient
But please, I can't take this predicament!

Natatandaan ko pa ang mapalad na student teacher na pinag-alayan ko nito. Pero na-realize ko, effort din pala yun sa part nya. Nakita ko nga sya sa Friendster eh, hindi ko nga lang maalala kung ano ang nakalagay sa profile nya, kung tuluyan na ba syang naging guro kung saan.

---;-<@

Speaking of Friendster, natuwa ako kanina nang makita kong may bago akong testimonial tapos ay may friend request pa! Pareho pang elem friends kaya naman nabalik na naman ako sa nakalipas.

Emily, 05/14/2004:
Mtgal ko ng d nki2ta c CHARITO pro never ko makakalimutan ang isang matalino(magaling yan sa science, English, math, HEKASI,….. CROCHETING? hehehe),palatawa, palaban (matapang yan… wag nyo galitin!)….MAPUSOK!(remember albert alcanse…db pinag-aagawan nyo ni liezel quizon ung playboy na un!),…at may pagkamaniac (este pagkaGREEN para mas maganda pakinggan) na kaibigan sa katauhan nya…sya at ung isa pa naming kaberks na si Melinda ang nagturo sa kin kung pano I-explore ang mundo ng kamaniacan!!BUTI NA LANG NAGING KAIBIGAN KO KAYO…ENJOY PALA MAGING GREEN..BWAHAHA….tuwing may review kami noon para sa mga contest di lang academics ang inaatupag namin…sa mga panahong un sumibol ang luntiang elemento sa di malamang bahagi ng aming inosenteng pag-iisip…hayyyy!! Di ko malilimutan ang napakahalagang bahaging iyon ng aking buhay! Salamat sayo kaibigan! Sana’y magkadaupang-palad tayo kasama ang iba pang alagad ng diyosa ng kaberdehan(C MELIN


(Sayang nabitin. Hindi yata nya nakitang lumampas na sya sa 1000 characters.)

Correction muna: Hindi namin pinag-aagawan ni Liezl yun noh... magkaibang panahon kaming dumating sa buhay nya. Saka hindi yun playboy - true, dami nyang girls, pero one at a time naman sya mag-gf. (Uuy pinagtatanggol! Haha isyu na naman yan!! ) Lastly, yung surname. It's Alcance.

Aside from that, ang masasabi ko lang ay... PAKSHYET, BENTANG-BENTA AKO! Pero in fairness tawa ako ng tawa upon reading it. And I second the motion: si Melinda talaga ang diyosa ng kaberdehan. She taught me everything I know... bwahaha!

Eto ang bagay na background music eh: "Batang-bata ka pa hinayupak ka na..."




posted @ 09:33 AM in | 3 splashed

A "Bad" Boy With a Good Heart

Eikichi Onizuka, 22. An ex-biker turned highschool teacher. Wahaha

I love GTO! Ito ang pinakapaborito ko sa Animax. (Hindi na nga lang masyadong pinapalabas ngayon - Mon and Tues na lang, 10pm.) I could watch this the whole day and never, ever get bored.

Ang una kong encounter dito ay nung aming feasib days... haha sa sobrang aliw nga namin ng mga ka-"best fisib kuno" ko eh hindi na tuloy kami nakagawa... nanood na lang kami...

Pag nagkapera nga ako eh sana makahanap ako ng kumpletong series nito, along with Chobits. Haay grabe!!



posted @ 10:23 AM | take a plunge.

May 20th, 2004

I just woke from my nap (If you could call it a nap - 7 hours ba naman!! Idlip pa bang matatawag yun?? ). Nakukunsensya nga ako eh, cos I think I heard my mom around 7pm, trying to wake me up. Wala raw syang kasabay kumain. And if I were asleep until eleven in the evening, surely I am not in the position to take in anything.

Kagabi napanood ko yung episode ng Lamu the Invader Girl, entitled "After You're Gone." For those not familiar with this show, Lamu is an alien, madly in love with Ataru, a human being. Lamu is awaiting her naturalization here.

Hindi ko nasimulan yung episode, basta merong party in honor of Lamu, kasi one year na sya dito sa Earth. Isinama nya si Ataru. Tapos... syempre mega-asikaso ang ginagawa nya kay Ataru. Tinataboy ba naman sya netong Ataru na ito. He went on and on about how he could not strike a conversation with girls na type nya cos Lamu is always around. Eh hindi naman daw nya ginustong mag-stay dito si Lamu sa Earth. Tahimik raw ang buhay nya tapos biglang kaboom! Finally Lamu asked, "You don't want to be with me?"

"I don't!"

Napatigil si Lamu. Then she just said, "I understand." She turned to leave. "Darling?"

"What?" (Huu ayaw daw ni Ataru pero ina-acknowledge naman nyang sya si Darling! Pakipot! )

"There's sauce on your face," sabay punas.

"I can do it myself! You're so annoying!!" Ataru said, pushing her hand away.

Eh di fine, naglakad na uli papuntang pinto si Lamu. "Darling?"

"What do you want?"

"Bye-bye."

Parang nagulat na ewan si Ataru pero sabi na lang rin nya, "Bye-bye." Siguro he didn't take this seriously, cos he yelled after her na mauna na sa bahay.

Sure enough, Lamu went home. Nagligpit-ligpit, and she made a doll (a small version of herself). As she placed it on top of the table she whispered, "I hope Darling will take good care of you for me..."

Then she went away.

Pagdating ni Ataru sa bahay at nag-dinner sya with his landlord and landlady, tahimik ang paligid; wala kasi si Lamu saka si Baby Ten (wag nyo nang pansinin 'to, extra lang yang batang yan... ). Inisip pa nga nya na nagtatago lang sa kwarto yung dalawa to make fun of him, pero wala. Then he saw the doll.

He went looking for them everywhere, pero wala talaga. Nagkakaroon na sya ng hinala but he refused to believe it. "No, she couldn't have left. She loves me."

But she did leave, didn't she?

Well to cut the story short, in the end syempre happy ending noh... they were together again. Although denial stage na naman itong si Ataru at nagtataray-tarayan when Lamu came back. He felt so free daw without Lamu. But Lamu knew better, cos there's a microphone inside the doll, kaya rinig na rinig ni Lamu lahat ng pinagsasabi ni Ataru nung nag-uumiyak sya dyan. (Hmm... nice trick... wehehe! )

Alam mo ba para akong tanga, iyak ako ng iyak while watching the damn episode! Nagulat nga yung ate ko when I burst in the room, "Penge ngang tissue... nakakaiyak yung palabaaaaas... huhuhu...." (I wouldn't have disturbed anybody, kaya lang basang-basa na yung manggas ng shirt ko! )

Hindi naman talaga nakakaiyak sa ordinaryong tao, siguro the most one could feel is like "Aaw..." Masyado lang akong nagda-drama kaya ganun.

Oops! Tingnan mo nga naman ang mapagbirong kapalaran. While writing this entry, Sugarfree hummed this in my CD player...

Unang Araw

Sadya ba talagang ganyan
Palakad-lakad ka't nakatungo, san patungo?
Ngayong wala ka na kelangang
Masanay na muling nag-iisa
San ka na kaya?

Wag mo akong sisihin
Kung minsan ika'y hanapin

Ito ang unang araw na wala ka na

Ito ang unang araw na wala ka na

Nasanay lang sigurong nandyan ka
Di ko inakalang pwede kang mawala, ayan na nga
Nababato, nalulungkot, luha'y napapawi ng singhot
At talukbong ng kumot

Wag mo akong sisihin
Kung minsan ako'y iyakin

Ito ang unang araw na wala ka na

Ito ang unang araw na wala ka na
Ito ang unang araw na wala ka na

Ito ang unang araw na wala ka na
Ito ang unang araw na wala ka na


Todo emote na ito...


posted @ 01:25 AM in | take a plunge.

KILIG

"Masyado na akong matanda kaya hindi ko na nararamdaman yan..."

Ika nga nung isa kong ka-chat. He's 26 (Huu 26 ba talaga?? Parang hinde eh... joke ), married, and privileged enough (kuno ) to hear about my non-existent lab layp. Sabi ko kasi, "Uuy kinikileg!" kaya sya nagkomento ng ganyan (haha aminin mo na kase... ).

Bigla ko tuloy naalala yung nung nag-celebrate kami ng kaarawan ng isang kaibigan. Nasa McDo Dapitan kami noon, at since bago pa yung commercial nila featuring Noel Cabangon's Kanlungan, paulit-ulit-ulit-ulit itong pinatugtog doon (hay naku, isang oras lang kaming kumain dun pero na-memorize ko na yung kanta at umukilkil talaga sa isip ko yun ).

Anyway habang nasa CR ang mga tao at andun kami nung celebrant sa may hagdan, may nakita akong mag-asawa. Matanda, as in they're approaching their 70s, I think. Habang pinagmamasdan ko sila, pinatugtog na naman yung Kanlungan. Naalala ko tuloy yung commercial.

Sabi ko kay Erwin, "Sila yun!"

Napatingin sya doon sa mag-asawa, at na-gets naman nya kung ano yung sinasabi ko. Medyo natawa sya habang sinasabi, "Ang sama mo!"

Gets nya, pero hindi masyado. Akala nya siguro I was being hilarious (that's how they perceive me kasi). But that's not what I meant. "Hindi... ano ka ba? Natutuwa nga ako sa kanila eh. Kahit ganun, kumakain pa rin sila sa labas."

Ano ba'ng point ko? Wala lang... it's just that sana, as the years pass by, hindi mawala yung ganitong moments. Hindi mawala yung kilig. Merong quote, "Love must always be made new." Saka ika nga dun sa nabasa kong book ni Bo Sanchez, hindi naman daw araw-araw paggising nya eh sobrang feeling in love sya sa kanyang wife. "But I've decided to create love in our marriage, no matter what... Have an affair with your husband. Have an affair with your wife. You have the power to create love."

Ewan ko, masyado lang siguro akong idealistic (?)

Ergo, I need a boyfriend.

Joke lang. I'm tied.

Sugarfree na naman:

Mabilis ang ikot ng mundo
Sa kakasabay nahihilo ako
Isang hakbang sa limang patlang
May panahon, pagkakataong
Mawawala kapag di hinawakan
At dudulas kapag di iningatan...

posted @ 01:29 AM in | take a plunge.

May 21st, 2004

I'm rereading this fantasy book, King's Blood Four, by Sheri Tepper (I took a break from the Phil Consti... tama na muna ang pagpapaka-nerd!!).

In the lands of the True Game, your lifelong identity will emerge as you play:

ARMIGER - talent: flying
DEMON - talent: reading the thoughts of others
ELATOR - talent: transporting yourself from one place to another
TRAGAMOR - talent: ability to move things with your mind
SEER - talent: ability to predict the future
SENTINEL - talent: firemaking
SORCERER - talent: storing power
HEALER - talent: ability to "repair" our bodies
RULER - talent: beguilement; ability to make others believe in oneself, also called "follow-me"
SHAPESHIFTER - talent: ability to take another form aside from one's own
NECROMANCER - talent: ability to raise the dead
IMMUTABLE - talent: ability to mute the other eleven's talents; they are unchangeable

Which will it be?

(Interesante... )


posted @ 11:02 AM | take a plunge.

WRONG TIMING

Just as I was feeling oh-so-determined to [finally] look for a job and conquer the world, NAGKASAKIT AKO. I have a fever and a cold. I feel so sick. I feel like crawling back into bed kahit na labing-apat na oras na akong nakahiga. Huwaaa...!! Bakeeet...????

May advantage, though. My lil bro's extra nice to me today, letting me have a part of his Jolly meal... mwahaha!! Yum yum yum...!!


posted @ 01:03 PM in | take a plunge.

May 22nd, 2004

There's nothing like friendship nurtured since childhood

Lampas alas dos ng madaling-araw kahapon (as in May 21) ay tinext ko ang aking elem pwend na si Emily. Wala lang, hindi pa kasi nya alam ang aking cel number. Pwes ngayon malalaman na nya. Pag binuksan na nya ang kanyang telepono... surprise, surprise!

Talagang na-surprise sya. Pati ako.

kw h..gcng kp..at ako gncng m..pero oki lng..alam m b n ASCNDING ANG MSG ALERT KO!NK2BINGI K!HEHE,.2LOG N TMA N ANG PGK2LAT NG LGIM!
Sender: Emily
+63920xxxxxxx


YIKES NAKAKAHIYA!!!!

Nabulahaw ko pa tuloy ang kanyang mapayapang paghimbing...

Pagsikat ni Haring Araw, may dalawang mensaheng naghihintay sa akin, galing kay Stephen at Emie, na elem pwends ko rin. Madaling-araw rin sinend ang mga nasabing mensahe. Kumbaga sa chain letter ay sa kanila isinalin ni Emily ang sumpa...

Nag-reply ako sa kanila't naunang mag-text back si Emie. Kinuha nya ang landline ko. Ohdiba alas otso ng umaga ay nakikipagbabaran ako sa telepono! Siguro kung hindi patay yung telepono ko nung nag-text sila (nahiya kasi ako kay Emily kaya signoff muna... ), mas maaga kaming nagbalitaktakan Ngayon lang kami ulit nagkaron ng communication matapos ang walong mahahabang mga taon, kaya syempre, kung anu-anong tsismis ang aming napag-usapan.

Mahabang diskusyunan ang sa amin ni Emie (nagsama ang dalawang dalahira... ); nung nag-text si Stephen, sabi ko'y sandali lang, kausap ko kasi si Emie sa phone. Pagtawag ko sa bahay nina Steph, may pinuntahan daw. Nasa NSO pala sya, inaalam kung tao ba talaga sya... Nung gabi, nag-usap din kami sa phone. Sa USTe din pala sya nag-aral, BS Pharmacy. Ano ba yan, nasa iisang bakuran lang pala kami! Hmm siguro nga sya yung nakita ko sa Dapitan!

May isa pa, si James. Nung kinder ko pa sya kaibigan. Eh kaya lang hindi pa kami nakakapag-usap eh.

Wala lang, natutuwa lang ako. Sa isang iglap ay nakausap ko sila. Through the years kasi ay kay Mei-mei lang ako hindi naputulan ng komunikasyon.

Saka ang kagandahan nito, kahit matagal kaming di nakapag-usap, parang walang panahon at distansyang namagitan. We just picked up where we left off. Medyo marami-rami yun, pero there's this feeling of ease inside. Hindi na nagkakailangan. Basta kwento lang ng kwento.

Pinaplano na nga namin ang aming reunion. Hirap ngang ayusin, yung iba kasi'y nagre-review para sa board tapos yung iba naman may work na. Saka sa totoo lang hindi pa nga kami kumpleto (mga "honorables" daw sabi ni Emie... haha feeling!! )

Mahaba-habang inuman 'to...


posted @ 11:56 AM in | take a plunge.

Chicken daw ako

I waited till I saw the sun
I don't know why I didn't come

I left you by the house of fun
I don't know why I didn't come
I don't know why I didn't come

When I saw the break of day
I wished that I could fly away
Instead of kneeling in the sand
Catching teardrops in my hand

My heart is drenched in wine
But you'll be on my mind
Forever

Out across the endless sea
I would die in ecstasy
But I'll be a bag of bones
Driving down the road alone

My heart is drenched in wine
But you'll be on my mind
Forever

Something has to make you run
I don't know why I didn't come
I feel as empty as a drum
I don't know why I didn't come
I don't know why I didn't come
I don't know why I didn't come...


posted @ 12:26 PM in | take a plunge.

Kaplastikan bang matatawag?

Wala lang, naisip ko lang, I'm trying so hard to heal others' pain, I'm here to lend a hand and give a smile, pero deep inside, I'm broken myself.

Don't get me wrong. I'm doing this whole-heartedly. I'm happy to help. Sana lang my loneliness won't rub off to others. Sana nga I'm doing good to these people.

A friend said that I'm "matapang, matalino, at malakas." Well, I guess I'd just have to believe that, though it's hard.

---;-<@

Gone are the days when I was young and free
The future, I can't see
Gone are the days of precious love
Relied on, and leaned on
So many days of sleepless nights
By your side
Why oh why
I never thought that it would be like this
My first love, the last time

But if he says, says, says
That he loves me
I can cry, I can smile
But if he says, says, says
That he needs me
There's a light
There's a light
Light for me

So many things that I would like to say
But He took you, took you away
So many things I'd like to ask
It's no good, cos you're not here
I hear your voice, I see you laugh
If only you were here
You seem the night, and I, the day
But some time, we'll walk away

But if he says, says, says
That he loves me
I can cry, I can smile
But if he says, says, says
That he needs me
There's a light
There's a light
Light for me

Never wanna feel that way again, that again
Never wanna feel that again

Lean on, can rely on, don't leave me, don't leave me
Lean on, can rely on, don't leave me, don't leave me

Gone are the days when I was young and free
Gone are the days of precious love
Relied on and leaned on

But if he says, says, says
That he loves me
I can cry, I can smile
But if he says, says, says
That he needs me
There's a light
There's a light
Yeah if he says, says, says
That he loves me
I can smile
And if he says, says, says
That he needs me
There's a light
There's a light
Light for me

So many things I'd like to say
But He took you away, took you away
So many things I'd like to ask
He took you away, took you away


posted @ 12:29 PM in | 2 splashed

May 23rd, 2004

ASTEEEG! Galing ng arguments ah... ang utak!!

Courtesy of Joey (naks special mention!! )

---;-<@

This is the best lawyer story of the year.

A Charlotte, NC, lawyer purchased a box of very rare and expensive cigars, then insured them against fire among other things. Within a month having smoked his entire stockpile of these great cigars and without yet having made even his first premium payment on the policy, the lawyer filed claim against the insurance company. In his claim, the lawyer stated the cigars were lost "in a series of small fires."

The insurance company refused to pay, citing the obvious reason: that the man had consumed the cigars in the normal fashion. The lawyer sued.... and won!

In delivering the ruling the judge agreed with the insurance company that the claim was frivolous. The Judge stated nevertheless, that the lawyer held a policy from the company in which it had warranted that the cigars were insurable and also guaranteed that it would insure them against fire, without defining what is considered to be "unacceptable fire", and was obligated to pay the claim. Rather than endure lengthy and costly appeal process, the insurance company accepted the ruling and paid $15,000.00 to the lawyer for his loss of the rare cigars lost in the "fires".

NOW FOR THE BEST PART... After the lawyer cashed the check, the insurance company had him arrested on 24 counts of ARSON!!!! With his own insurance claim and testimony from the previous case being used against him, the lawyer was convicted of intentionally burning his insured property and was sentenced to 24 months in jail and a $24,000.00 fine.

This is a true story and was the 1st place winner in the recent Criminal Lawyers Award Contest.


posted @ 02:48 AM | take a plunge.

Obvious Ba??!!

Narrative
You're a Narrative writer!


What kind of writer are you?
brought to you by Quizilla

posted @ 04:59 AM | 1 splashed

May 27th, 2004

CUTE SYA!!!

I remember this guy from a seminar I attended before... sa lahat ng speakers noon eh sa kanya lang ako nakinig ng full attention pano interesante. I'm not saying that the other speakers are not interesting; it's just that this one eh kakaiba mag-deliver ng info. Hindi ka aantukin kasi madadala ka sa energy nya. Cute pa (haha kaya pala... ). Saka natuwa ako sa wallpaper ng laptop nya... wedding pic nila ng wife nya, in a wacky pose. Sweet

THE EXECUTIVE BREED: Rod Nepomuceno


posted @ 04:49 PM in | take a plunge.

"I'm on SMS"

Siyam sa friends list ko sa YM ang online pero lahat sila naka-SMS kaya hindi ko rin makakausap ng matino.

Ako rin laging naka-SMS eh, kaya nga laging napagkakamalang online. Pero OK lang. At least nakukuha ko yung messages ko (at pwedeng mag-reply; medyo mahal nga lang... PhP2.50 isa) kahit na hindi ako naka-internet. Hindi naman lahat ng oras may prepaid ka.

Naaalala ko tuloy si POKPOK... lakas mang-asar, hilig mang-flood ng inbox. Biruin mo ultimong testimonials nya sa Friendster eh sinend sa akin through YM... nakaka-benteng messages sa akin yan, wala namang kwenta. Pang-asar lang talaga. Halos mag-hang yung phone ko.

NAKAKADIRI mang aminin (hehe ) eh nami-miss ko na itong si POKPOK. Paramdam ka nga. Naka-SMS naman ako eh... saka lam ko namang miss mo 'ko eh...

posted @ 07:25 PM in | take a plunge.

May 28th, 2004

Jumpin' Jumpin'

That's how my heart is right now. It's thumping wildly in my chest.

I just got a call from PeopleSupport. I was totally surprised! No, the word is not strong enough. I was shocked. Appalled. Shaken to the very core. I did not expect this. I mean, I did submit my application to their website yesterday evening, but it was stated in the confirmation message that I am supposed to call them through the hotline for my interview schedule. The message even said, "Have your application code ready." I recorded everything dutifully.

When I woke up this morning, I prayed, "Lord, I am applying for my first job today. Please help me." I was about to take a bath and "internalize" before calling PeopleSupport when my dad informed me that I have a phone call waiting, and the person on the other line is English-speaking. I cannot recall the first "word" that crossed my mind, out of confusion and shock. It is easier to describe it graphically: in my mind's eye there's this red light blinking rapidly.

I do not remember the details; everything happened so fast. I just remember telling my interviewer about my interest in computers and the internet, my love of conversing with people, my desire to apply what little technical knowledge I have and in the process learn more, my experience as a student assistant back in college (wherein I had to deal with thousands of people - and not all the time everybody's sane ), and finally, my degree which is highly related to customer service. Services Management and Marketing are my favorites among others in our curriculum, I added.

Well, he said he "decided to endorse [my] application to the next stage," and that somebody's going to call me up again, tomorrow at the latest. I am not sure what he meant; who knows, possibly HR people like him say that all the time (and then nobody would call). I just have to wait for that call to know. If the phone does not ring tomorrow, then...

But somehow the fear and hesitation I felt before about the job-hunting issue subsided, if not completely dissipated. I hope I could handle the next phone call better. I really want to be a part of the call center industry.

Gosh, I've finally done it. I finally took that first step...


posted @ 11:09 AM in | 3 splashed

May 29th, 2004

SISTAH!

** IT'S HIGH TIME I WROTE THIS ENTRY **

On the 20th I met up with my soul sis Kaith. What an extraordinary experience...

I first "heard of" her in an e-group called Bobongpinoy (which automatically means that we're really fond of Mr. Bob Ong's books). I still remember her post entitled, "been here for a month." She said she's a UST freshie. That caught my attention because as I have mentioned probably a thousand times in my blog, I used to work at the Admissions Office of my alma mater (check out my adventures and misadventures as a student assistant in the "Kwentos" section ). I wondered what she has to say about the effectivity of the admission process and the efficiency of the personnel. I planned to forward whatever feedback she had to my superiors at OFAD. Comments will help improve the current system, I believe. Talk about striving for excellence... So I wrote her.

From that day on we exchanged a series of emails. I found out we're similar in other ways aside from being Bob Ong fans. We like books in general. We like to put down on paper (or in this case, the computer) our musings about the world around us. She's the one who introduced me to Tabulas, because I was then looking for a blog that hosts images. So if you're reading this now, you have Kaith to thank...

Upon reading her writings I thought, she must have Political Science or Legal Management for her course. So I was surprised to learn that she took up Nursing. She's interested in law, though (like me... haha ), and I believe she has the makings of a good lawyer (I bet you're smiling right now, little sis... ).

After almost two months of mailing each other, we decided to meet.

I was nervous about this meeting. This is my first time to meet someone I knew through the world wide web. To be brutally honest, it's not even my thing to make friends through the net, although lately I realize that it is an excellent opportunity to know people of all sorts, and that's what makes it so interesting.

I was early because I had to do a couple of errands for my mom. Kaith and I were supposed to meet at the university chapel but I suggested we change the venue to OFAD. So OFAD it is.

She texted me later that she's outside our office. I knew at once who she was among the people seated at the benches for three reasons: (1) she told me she's wearing a pink-striped shirt (but many girls decided to wear pink stripes that day, believe me!); (2) I already saw her photo at Friendster (she's prettier in person, though, so much more... ); and (3) in the absence of the foregoing, I'd still recognize her because she's looking expectantly at our office's door.

We talked about many things, and all that time it's either we're smiling or laughing. It felt like my facial muscles would snap any minute. We just can't stop blabbing!!

We ate lunch at Almer's (to replenish the energy spent... hehe ), then decided to pick up her PE uniform at the gym. The moment we stepped out of Almer's, it started raining! And it really poured... aargh!

When we got her uniform we returned to the Main Building to continue our talk. She asked me about the museum. Unfortunately, it's closed, so we just looked at the paintings at the second floor (these are portraits of Rizal, Macapagal, and other great men and women of our country who are alumni of UST). We also strolled at the Faculty of Pharmacy's part of the building, and reveled at their collection of "flower vases", which turned out to be instruments used in making medicine. Finally, I showed her the office of the Varsitarian, UST's official publication. Kaith is a "sulatera", as I mentioned before.

Our next stop: the Medicine Building (her building). We toured all four floors of this building, but I think the greatest thing was when we looked at the displays located at the ground floor. These are specimens of lungs, heart, liver, and other body parts in different stages of "decay" due to illness. There are also fetuses from the first to the final month. Some are Siamese twins, some are deformed. And man, are they real! I wanted to scrutinize more, but I keep getting this crazy illusion that prolonged staring would cause the fetus' eyes to open. Who knows, the child may even smile at me...

It rained again when we got out of the building. We would have lingered, but the rain prevented it. So we went home.

Five days later we met again. It's her mom's birthday the day before, and the lady wanted to meet me (yikes! ), so could I please come to their house?

Again, I was nervous. But I went anyway. Two jeepney rides later, I was there.

After the interview with her mom (hehe ) Kaith and I went to the mall to buy something for her mom. We encountered this product named "Jiahe", to our amusement. It is something used to pinch your nose, probably so it'd take that desired shape. What a name. I hope users of this product won't think it's "jiahe" to do so...

We also browsed at the bookstore. We showed each other books we liked, then laughingly read aloud corny love quotes (hehe ). Back to the house; I left after dinner.

It's rare to find people like that, people you've known for only a short time yet it seems like you've already spent forever being friends. I'm really glad we met. And I'm really glad I found a baby sister in you. (Yeah, a baby sis. You know what I'm getting at... ). As stated in a quote I came across before, "WE MAY NOT BE SISTERS BY BLOOD, BUT FROM THE START I KNEW, WE'RE SISTERS AT HEART."


posted @ 12:53 PM in | take a plunge.

May 30th, 2004

???

Ngayong gabi
Pag nagri-ring ang telepono
Ikaw ang naiisip ko
Tumawag ka
Tumawag ka, darling please
Tumawag ka naman dahil
Kinakailangang marinig ang boses mo
O, ngayong gabi managinip
Managinip muli tayo sa sarili nating mundo...


posted @ 10:17 AM | 5 splashed