(c) yeopgi 2004


Links



your name:

url:

your message:


April 26th, 2009

the untold story of celia

Ngayong out na ang Mas Nakakalurkei Album ng Tambalang Balasubas at Balahura, panahon na rin upang maisiwalat ang kwento ni Celia.

December 30, 2007. SM Manila. Naka-setup na ang stage para sa mall show nina Nicolehyala at Christsuper. Hatak si Coronel na nagtatakip ng mukha (baka kasi may makakilala sa kanya ninja.gif ), pumila ako sa isang counter upang bumili ng first album ng Tambalan. Meron akong free calendar-poster at iba pang giveaways mula sa kanilang sponsors. Habang wala pa ang Tambalan, nag-emcee muna ang isa pang DJ ng Love Radio na si Rey Porter.

Maya-maya pa dumagundong na ang kabosesan ng Tambalan mula sa likod ng stage, at nagsimula ang kanilang dance number. Nagkaroon din ng interview portion at games kung saan nag-participate ang audience. Finally, ang autograph signing.

Isa ako sa unang nakapila kaya hindi ko na nakita kung gaano karami ang mga taong nasa likuran ko. Sa aking harapan ay mayroong dalawang babaeng hindi magkamayaw kung paano ang gagawin. Hawak ang kanilang kopya ng album sa isang kamay, inaayos naman ng kabilang kamay ang kanilang camera. Isa sa mga organizers ang lumapit at nagpamigay ng blankong scratch papers at nagpahiram ng pen - doon mo pala isusulat ang pangalan mo para batiin ka nila sa radyo pag-resume ng kanilang programa kina-Lunesan. Gabay din nila ito sa pagsulat ng iyong pangalan sa autograph signing. Nabasa ko ang nakasulat sa papel na hawak nung babae: Celia of Sta Mesa.

Medyo natagalan yung dalawang babae kasi bukod sa pagpapapirma ng album, maraming beses din silang nagpakuha ng picture.

Sa wakas, ako na.

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano nung nasa harapan ko na ang Tambalan. First time! Nakangiti sila at naramdaman ko talaga ang sincerity nila nang magpasalamat sa pagbili ng album. Para tuloy puputok na rin ang puso ko sa kasiyahan dahil napaka-down to earth nila. "Chat, thank you talaga ha!" sabi ni Nicole habang inaabot ang kopya ko para pirmahan. Beso naman ang isinalubong ni Christsuper ( blush.gif ). May messages sila sa album cover, pati yung flaps sa loob, at yung mismong CD.

Pagtingin ko sa CD, ako'y nabigla!

Nicolehyala heart.gif's Celia

Asar-talo ako kay Coronel dahil hindi na ako si Chat of Sampaloc! Ako na si... Celia of Sta Mesa!

Si Celia... parati na lang si Celia! Si Celia na walang malay!
crack.gif

At least yung sa cover, love you chat! So hindi na 'ko magseselos... jester.gif

---

Hi Nicole and Chris! Peace out! Bumili na ako ng second album pero hindi ko pa napapakinggan. Pati yung Love Knows No Boundaries na album. Syempre, panibagong entry yun pag napakinggan ko na approve.gif

---

Related entry: HEY TAMBALAN NA!


posted @ 01:18 PM | take a plunge.

April 22nd, 2009

hari ng sablay

#1 Kung kayo'y USTudent na nag-take ng Spanish o Rizal Course, may tsansang naging guro ninyo si Sir Ramon Roda. Naging estudyante nya ako pero itong kwentong ito'y sa taga-ibang course ko naman nakuha. Nakilala at hinangaan ni Sir ang isang babae. Nung mga panahong iyon, dumadalaw ang lalaki sa bahay ng babae kapag nanliligaw. Kaya ito namang si Sir, hiningi ang address ng girl. Pagkatapos ng matagal-tagal ding pamimilit, nakuha nya ang pinapangarap na impormasyon. Tuwang-tuwa sya at excited na pumunta sa nasabing lugar. At namangha sya sa nakita!

ISANG BAKANTENG LOTE.

In fairness, napangasawa naman ni Sir yung girl. Kaya happy ending di ba big.gif


#2 Elementary pa lang ako nung nag-board sa amin ang mga pinsan kong nasa college naman. Bukod sa kanila, may iba pa kaming boarders. Crush ng pinsan kong si Kuya Nelson yung isa naming boarder. Minsan nagkausap yung pinsan ko at yung kuya ng girl, na crush naman yung pinsan kong babae na sa amin din nakatira. Boys will be boys: nagkasundo ang dalawa. Gagamitin ang kanya-kanyang koneksyon sa bawat babae para mailakad yung isa.

Nanghingi ang kuya ko ng picture ng crush nya. Sige, sige, sabi ng kuya ng girl. Bigay ko mamayang gabi.

Sa takdang oras nag-abang sya sa tapat ng kwarto ng magkapatid. May kumaluskos at masayang-masaya sya nang makitang may lumalabas sa siwang ng pinto ng kwarto. Eto na yata ang pinapangarap nyang picture! Mapagmamasdan na nya ang crush nya gabi-gabi bago matulog!

Sabik syang lumapit sa pintuan ng magkapatid. Nalaglag ang isang bond paper mula sa siwang. Picture nga ng girl.

NAKA-PHOTOCOPY.

Umaga na ay tulala pa rin ang pinsan ko rasp.gif


#3 Nung bata pa ang tatay ko (10 years old), mahilig silang mag-camping ng mga barkada nya. Puro kakahuyan at talahiban pa ang lugar na ngayon ay kilala natin bilang Mandaluyong City. Sa estima nya, ito ang kinatatayuan ng SM Megamall na dati ay seminaryo ng pari.

Kasalukuyang naghahanda na ang magkakaibigan ng makakain. Swerte ngayon, nakapagbaon sila ng de-lata. Luto na ang sinaing; ulam naman ang kanilang inasikaso. Isinalang nila ang de-latang ulam sa apoy at bumalik sa pagkukwentuhan. Biglang nakarinig sila ng malakas na pagsabog! Takot na takot ang magkakaibigan...

UMULAN NG SARDINAS.

Hindi pala nabuksan ang de-lata nang inilagay sa apoy kaya ito sumabog fez.gif


posted @ 11:35 PM | 2 splashed

April 16th, 2009

KLTA

"I got married in December 29th..."

He's the boy I loved throughout my teenage years. The feeling is gone, but I never lost affection and fondness for this long-time friend. You just don't let go of friendships such as this, the kind where you might lose touch for months or years, but when you finally talk it feels like you didn't miss a beat.

He left for the States the day I graduated college. Through the years I always receive notes from him urging me to write, but I just couldn't seem to find the time. I bought a birthday card for him on 2007, but started writing on it June of 2008 (his birthday is on May); I tried to finish writing mid-July of the same year, but the letter still lies unfinished as of today, crammed somewhere in my drawers.

When he finally brought the news in, I felt happy for him of course, but also a little sad. My friend is starting a life of his own, and has entered a new realm I'm yet to experience. I feel out of place, as if I'm losing him. But I'm focusing on the happy part. After all the heartbreak, a pure soul and a kind heart deserves this... bliss.

"I miss you all and I can't wait to keep in touch..."

I'll finish the letter over the weekend smile.gif

posted @ 12:32 AM | take a plunge.
« Newer | »